''I've cried, and you'd think I'd be better for it, but the sadness just sleeps, and it stays in my spine the rest of my life.''
- Conor Oberst
.
Dianne POV
Natitigilang napatingin ako kay Jimmy habang nakahawak parin siya sa kanyang panga.
Ghad, bakit ko siya sinuntok? Doble-doubling kaba ang nararamdaman ko sa aking dibdib, pero inihanda ko na ang aking sarili sa maaari niyang gawin!
Lalong lumakas ang pagpatak ng mga likidong nanggagaling sa aking mga mata. Hindi ko na naman mapigilan.
Ngunit isang malamig lang na titig ang ibinigay niya sa akin. "We need to go!" mahinang sabi niya at nagpatiuna ng tinungo ang kanyang sasakyan.
Napanganga naman ako, hindi ko inaasahan ang reaksiyon niya. Pinunasan ko ang aking mga luha. Nahimasmasan naman ako dahil wala siyang ginawang karahasan pero naguluhan na ako.
Napako na ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko talaga maintindihan ang personalidad niya.
"Let's go!" narinig kong naiiritang utos pa niya.
Pagtingin ko sa kanya'y pumasok narin siya ng sasakyan.
Ghad, ito ba talaga ang pakakasalan ko? Hindi ko masanto ang ugali. Parang may personality disorder. Ghad, baka ano pang magawa niya sa akin? Napasimangot na ako at nagpasyang sundan siya.
Tahimik ko ng binuksan ang puntuan ng sasakyan saka pumasok narin sa loob. Ilang sandali pa'y pinatakbo narin niya ang sasakyan.
Tinapunan ko siya ng tingin habang nagmamaneho. Nasa daan lang nakapako ang buong atensiyon niya.
"Don't act like a child, Dianne! Palalampasin ko 'yong ginawa mo kanina. Wala na itong next time!" matalim niyang sambit at bahagyang nilingon ako. "Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Oo!" nauutal kong sagot saka nagbaba na ako ng tingin. "Hindi ko sinasadyang suntukin ka!"
Hindi na siya umimik pa. Kaya nagpasya na akong ilabas ang phone ko sa bag at tangkang itext si Hillary.
Ngunit naiinis naman na kinuha niya iyon sa kamay ko. "Diba sinabi kong ayaw kong nagti-text ka kapag magkasama tayo."
Napakunot-noong tiningnan ko siya saka napabugtung-hininga naman ako. "Ano na naman ang gagawin ko? Ni hindi mo nga ako kinakausap." mahinang angal ko.
"Kumanta ka na lang." mariing sagot niya.
Ghad, narinig niya! Napakatalas naman ng tenga nito. Pakakantahin ka diyan. "Sorry ha, ang mahal kasi ng boses ko!" taas-noong sabi ko.
"Magkano ba?" seryosong tanong niya ngunit inirapan ko naman siya. "Babayaran kita?" patuloy pa niya.
Napapaisip naman ako. Magkano pala ha! "One hundred thousand pesos!" ngiting parang nakaisang sambit ko at nanghahamong tinapunan siya ulit ng tingin.
"Deal!" direktang sagot niya. "Biente kwatro oras kang kumanta at babayaran kita ng triply pa."
Napamaang naman ako, sobra naman nito. "Nevermind!" saka tinalikuran ko na siya. Itinuon ko na ang atensiyon sa labas ng bintana.
Hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok hanggang sa ipinikit ko na ang aking mga mata.
Naramdaman kung may humaplos sa balikat ko. Napamulat na ako at natampad sa akin ang mukha ni Jimmy.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
