''The best way out is always through.''
-Robert Frost
.
Dianne POV
Umaasa akong nasa paligid lang si Jimmy. Ngunit halos isang oras na ang lumipas ay hindi parin siya nagpapakita.
Tama nga ang kutob kong iniwan na talaga niya ako.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay pinaikot ko pa ang tingin sa kabuuan ng room.
Ito ang siyang naging saksi sa mga kamunduhang pinagsaluhan namin ni Jimmy. Parang may punyal na tumusok sa puso ko. Masakit na masakit!
Gusto kong umiyak ngunit walang luhang gustong kumawala sa mga mata ko! Natutuyo din pala ang mga luha!
Napabaling na ako sa aking wedding gown na nakatupi sa ibabaw ng center table. Napalapit na ako roon at ibinaba ang sarili saka hinaplos ang bawat manggas ng damit.
Una at huling mamahalin kita Jim! Kahit na sa simula pa lang ay paulit-ulit mo ng dinudurog ang puso ko at kahit na sinasaktan mo ako'y nagawa ko paring mahalin ka ng lubusan.
Napatingin na ako sa aking wedding ring, ito ang katibayan na naging tayo kahit sa maiksing oras at naramdaman kong mahal na mahal mo rin ako!
Napahawak na ako sa aking tiyan, sana lang ay mabuo ito para naman may alaala kang maiiwan sa akin.
Ilang bugtung-hininga ang pinakawalan ko at napatayo narin saka nagpasya na akong labas ng room.
Parang nakalutang na naman ako habang naglalakad.
Hindi ako makapaniwalang iiwanan ako ni Jimmy pagkatapos ng mga nangyari pero ano pa ba ang magagawa ko kung si Grecylle ang mas pinili niya at ang kanyang mga pangarap?
Tama nga naman ito, magandang buhay ang naghihintay sa kanya sa States. Dahil kung ako ang pinili niya ay magbabayad lang siya dito ng mga pagkakautang ni daddy.
Kailangan kong makausap si daddy? Pero ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kanila? Na iniwan ako ni Jimmy pagkatapos ng kasal?
Napalingi na ako... kailangan ko munang makapag-isip ng maayos.
Hanggang sa narating ko na ang front desk. "Ipapakuha ko lang mamaya ang mga gamit sa room 101." sambit ko sa receptionist at iniabot na roon ang card.
Napatango naman iyon, "Don't worry ma'am! Hanggang bukas pa naman po ang reservation ng room ninyo." ngiting sagot pa niya.
"Salamat! Iiwan ko na lang ang muna ang card, babalik din ako mamaya." saka umalis narin ako sa harapan niya.
Hanggang sa narating ko ang labasan ng Manila Marriott Hotel.
Bahagyang napabugtong-hininga ako. Sana ay magiging maligaya ka Jim na kasama si Grecylle. Sana...
Ano ba'ng nangyayari sa akin? Parang nahihibang na ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ni wala akong perang dala at wala rin akong phone.
Ghad, bahala na.
Maglalakad na lang muna ako.
Ilang kilometro narin ang nilalakad ko. Bahagyang nag-aagaw narin ang takip-silim.
Napapagod na ang mga paa ko ngunit ayaw ko paring tumigil sa kakalakad. Wala nang mas sasakit pa sa sakit na bumabalot sa puso ko!
Maya-maya'y may naramdaman na akong hindi kilalang puting vios ang bumubuntot sa akin. Nakaramdam ako ng takot.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
