Chapter 22 - Letting Go!

12.6K 283 47
                                        

''Letting go does not mean you stop caring. It means you stop trying to force other to.''
- Mandy Hale

.

Jimmy POV

[Sir nandito na ako, hinihintay ko na lang na lumabas si Ma'am Dianne.] sabi pa ni Danny sa kabilang linya.

"Good," napatangu-tango na ako. "Dalian niyo at tiyakin mong maihahatid mo siya nang maayos sa airport bago mag-alas dyes." sagot ko at pinutol ko na ang tawag.

Napatingin pa ako sa aking relo, mag-alas nwebe na ng umaga. Kailangang maihatid na ni Danny si Dianne dahil baka maiwan pa ito ng eroplano.

Napabugtung-hininga na ako at inistart ko na ang makita ng sasakyan.

Papunta na ako ngayon ng Sanctuary de San Antonio Parish.

Doon ko na hihintaying mag-alas dyes at i-anunsiyo sa lahat na hindi na matutuloy ang kasalan.

Naikuyom ko na ang manubila ng sasakyan. Parang pinipiga ang puso ko! Masakit na masakit.

Muli ko na namang naaaninag ang maamong mukha ni Dianne habang nagsusukat siya ng mga wedding gown sa boutique.

Napahawak ako sa aking ulo. My goodness...

Maya-maya'y binuksan ko ang dashboard at kinuha ko doon ang isang white envelope.

Inilabas ko na roon ang litrato ni Dianne.

Bumagay talaga sa kanya ang cream na gown at ang blonde hair.

Sh*t, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? My goodness, bakit hindi ka maalis sa sistema ko. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?

Pinapakawalan ko na siya dahil hindi ako ang karapat-dapat na lalaki para sa kanya. Marami pa siyang mararating sa buhay niya at makakatagpo pa siya ng lalaking mas higit na makapagpapaligaya sa kanya.

Ayaw kong matali siya sa isang kasalang sa simula pa lang ay puro na pasakit ang naibibigay ko.

Damn it, bakit ba ako naiiyak? Kasalanan ko rin naman... ako rin ang dapat na sisihin sa mga nangyayari!

Pinapakawalan ko siya. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan. Nadudurog narin ang puso ko.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Sh*t, bakit ba ako tinamaan ng ganito? Hindi ko na mapigilang mapasuntok sa manubila.

Damn it! Bullsh*t! Paulit-ulit na mura ko saka bahagyang iniuntog ko na ang ulo roon. Hindi ako komportably sa ganitong pakiramdam... hopeless at walang magawa!

Mahal na mahal kita Dianne at ayaw kong masakal ka dahil sa pagmamahal ko.

Kung puwede lang sanang bilhin ang pagmamahal mo'y ginawa ko na. Pero alam kong ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganito.

Ghad DDD!!! Gusto kong magsisigaw nang magsisigaw!

Bakit ako pa? Sh*t! Ibinalik ko na naman ang litrato ni Dianne. Kahit ito na lang ang magiging alaala ko... pinunasan ko na ang mga luha.

Mamayang hapon na ang flight ko. Sa States ko na ipagpatuloy ang buhay at doon na ako magsisimula ulit.

Ayaw ko naring maging sunud-sunuran sa mga yapak ni daddy. Gusto ko ring magkaroon ng tahimik na buhay.

Pagkatapos nang pag-anunsiyo ko mamayang hindi na matutuloy ang kasalan saka ko narin sasabihin kina daddy at mommy na aalis na rin ako.

.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon