''Giving up doesn't always mean you are weak; sometimes it means that you are strong enough to let go.''
-Anonymous
.
Dianne POV
Dalawang araw narin ang nakalipas mula noong unang beses na naglunch kami ng fiancé ni Ate Thesa. Nakahinga ako ng maluwag ngayon dahil naabala iyon sa trabaho kaya hindi kami magkikita. Daig ko pa ang isang preso kung makabantay sa akin.
Sabi nga niya hanggang sa papel lang ang kasalan ngunit hindi pa nga kami ikinakasal kung umasta ay parang nagseselos na asawa! Marami pa talagang bawal.
Naisipan kong pumunta ngayon sa Fort Bonifacio. Magbabasakali akong makikita ko si Ate Thesa sa kanyang condo. Hindi kasi makontak ang phone niya.
Ngunit natigilan ako sa nakita. Nasa lobby ng condo si ate at nakaupo sa may sofa. Napapaligiran siya ng mga guwardiya. Parang binagsakan ng langit ang itsura niya.
"Ate, ano'ng nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko habang papalapit sa kinaroroonan niya. "Dalawang araw ka ring nawala." napaupo narin ako sa kanyang tabi.
Hindi naman siya sumagot.
Nagsipag-alisan naman ang mga guwardiyang nakapaligid.
Napatayo narin si ate kaya inalalayan ko na siya papuntang elevator. Pagpasok namin ay pin-ress ko na ang button papuntang 11th Floor kung saan makikita ang unit niya.
Nakakabinging katahimikan ang naghari sa pagitan namin hanggang sa nagbukas ng pintuan ng elevator sa 11th Floor.
"Ate, magsalita ka naman. Ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang lumakad na kami papunta ng unit niya.
"Si Mark..." napahikbing sambit ni ate at niyakap na ako.
"I'm sorry Dianne! Kung hindi sana sa kagagahan ko'y hindi ka maiipit sa sitwasyon. Pumayag na lang sana ako na magpakasal kay Jimmy." puno ng kalungkutang sabi niya.
Napaiyak naman ako sa mga narinig. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Parang nasasakal na ako kay Jimmy.
Hanggang sa narating namin ang unit ni ate, pinaupo ko na siya sa sofa at inilapag roon ang aking bag saka pumunta sa kusina.
Mas worst pa 'ata ang pinagdadaanan ni ate sa ngayon. "Ano ba'ng nangyari sa inyo ni Mark?" nag-alalang tanong ko habang inilalapag ang dalawang basong orange juice sa center table.
"Please huwag na muna natin siyang pag-usapan!" paki-usap pa ni ate at napasandal na siya sa upuan saka napapikit.
"Wala na akong magawa ate. Ginigipit ako nina mommy na magpapakasal kay Jimmy." napahikbi na naman ako. "Kung hindi ako magpakasal, itatakwil nila ako. Hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko ate. Gustung-gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral. Ang mahal pa sa university, hindi ko naman kayang tustusan ang sarili kong tuition fee."
Bigla namang tumunog ang aking phone kaya iniabot ko na ang bag ko.
"Si Jimmy ate," bulalas ko ng makitang pangalan ni Jimmy ang nasa screen.
Napaiyak ako. Juicecolored, sana ay iba na lang! My goodness bakit ako pa? Masyado na ba akong suwail para bigyan ng pasaning ito?
Hinaplos pa ni ate ang aking kanang palad na nakapatong sa kandungan ko.
"Nasasaktan akong nakikita kang ganyan. Lalayo tayo Dianne!" suhesiyon niya. "Magpakalayu-layo tayo. Hindi mo pakakasalan si Jimmy. Magsisimula tayo ng bagong buhay."
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomantizmBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
