Chapter 21 - the Emotions

12.8K 342 19
                                        

''The emotion that can break your heart is sometimes the very one that heals it...''
- Nicolas Sparks

.

Dianne POV

Isang bugtung-hininga ang pinakawalan ni Ate Thesa. "Nagmamatigas parin si CEO Ricafort Monteverdi. Mahihirapan talaga tayong mabawi ang Sunriser." malungkot na balita niya.

"Kung ganoon ay matutuloy parin ang kasal ganoon ba ate?" kunot-noong tanong ko saka muling binalingan siya nang tingin.

Napatango naman siya, "...pero susubukan parin namin Dianne. We have still five days para masettle ang negosasyon." napatayo narin siya at nilapitan ako.

"Kakausapin ko narin si Jimmy. Baka puwede niyang pakiusapan ang daddy niya." malungkot naring sabi niya at nag-aalalang hinaplos ang magkabilaang balikat ko.

Napayuko na lang ako. Nahihiyang tumingin ako kay ate. Hindi ko narin kasi maintindihan pa ang mga nararamdaman ko.

Kung dati ay ayaw kong magpakasal, ngayon naman ay nagdadalawang isip na ako. May gusto na ba ako sa kanya? Ghad! Ano ba itong nararamdaman ko?

"Don't worry, tutulungan kita!" nag-aalalang sambit pa ni ate at niyakap na ako. "Cheer up! Paskung-pasko ay malungkot iyang mukha mo."

Bahagyang napangiti naman ako kahit nagugulo ang isip ko. "Merry Christmas ate!" bati ko at sabay na kaming lumabas nang silid ko.

.

Buong pamilya naming sinalubong ang pasko. Sina mommy at daddy, sina Kuya Jason at si Chin saka sina Ate Thesa at Mark.

Ako lang pala ang walang partner ngayong pasko.

Maya-maya'y tumunog ang phone ko, mabilis ko namang kinuha iyon sa aking bulsa. Ngunit nadismaya lang ako nang makitang si Hillary ang nagtext.

[Merry Christmas beshy! Regards to Tita and Tito. Miss yah!] ang nabasa kong mensahe.

[Merry Christmas din beshy! Enjoy your vacation. Miss you na beshy! See you soon! God bless!] ang nireply ko naman sa kanya.

Hay, hindi man lang siya nagparamdam! Matext ko nga.

[Merry Christmas Jim!] ang tinext ko sa kanya saka mabilis ko ng sinend.

Ilang sandali ay wala parin akong natatanggap na reply niya. Panay na ang tingin ko sa phone pero wala parin.

"Miss busangot," narinig kong tawag sa akin ni ate.

Napatingin naman ako roon at inilagay ko na ang phone sa aking bulsa.

"Si Jimmy ba ang hinihintay mong magtext?" may panunuksong tanong niya at kinindatan na ako. "Baka inlove ka na sa kanya ha!"

Napalingi-lingi naman ako. "Hinihintay ko lang si Hillary magreply ate." pagsisinungaling ko, na ikinapula naman ang aking pisngi.

Inlove na ba ako kay Jimmy? Ghad, HINDI!!!

"Sabi ko nga sa'yo na hindi masamang mainlove ka sa kanya at sasabihin ko na namang inlove ka na sa kanya." kinikilig pang bulong niya.

Ghad!

"Kumain na tayo." yaya na ni mommy.

Merry Christmas everyone!

.

Pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na naman nagpakita sa akin si Jimmy. Hindi din siya nagpaparamdam pa.

Ilang araw na lang ay kasalan na. Napatingin na ako sa center table kung saan naroon ang aking wedding gown.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon