Extra Chapter: Jobless, Separated!

1.7K 40 5
                                        

"Feeling are much likes waves, we can't stop them from coming but we can choose which one to surf."
-Jonatan Martensson


.

Jason POV

"Palayain na natin ang isa't isa!" tila isang bombang sambit ni Chin pagkamulat ng kanyang mga mata.

Napako na ako sa kinauupuan. Hindi ko maintindihan pa ang mga nararamdaman ko. Para nag-lo-loading ang utak ko sa mga katagang narinig mula sa kanya.

"Tatlong taon na ang sinayang natin. Ayaw ko nang madagdagan pa." patuloy pa niya.

Ilang saglit pa saka ako nagkalakas-loob na tumayo at lapitan siya.

Punung-puno ng mga luha ang mga mata niya. Sa tatlong taon naming pagsasama ni Chin ay ngayon ko lamang siya nakitang umiyak.

Ibang Chin Mondragon ang nasa harapan ko ngayon. Isang mahina at puno ng pighati.

Parang may nagliparang mga espada sa ere at sunud-sunod na tumusok sa puso ko.

Wala namang boses ang lumabas sa mga labi ko. Napaakap lang ako sa kanya, na tuluyan namang napahagulhol sa aking mga bisig.

Hindi ko alam kong papaano siya aaluin at pagaanin ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng munti naming anghel ngunit hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi niya.

Gusto na niyang tuldukan ang pagsasama namin.

Ghad, hindi ko na alam.

.

Dianne POV

"Kamusta ka Kuya Jason? Bakit pabigla-bigla? Si Ate? Nasaan siya? Bakit dito?" ang nag-aalalang tanong ko mula sa pintuan habang hindi parin makapaniwalang sa isang maliit na apartment titira sina kuya.

Tatlong araw narin ang nakalipas nang makalabas ng ospital si Ate Chin. Naaawa ako sa kanila ni kuya dahil sa pagkalaglag ng dinadala ni ate?

Dito na ba sila titira ni ate? Pinaikot ko na ang aking paningin. Titira ba dito si ate?

Napalapit na si kuya sa akin. Puno ng kalungkutan ang nakaguhit sa buong mukha niya. Napalingi pa siya, "Gusto ng tapusin ni Chin ang pagsasama namin." balita pa ni kuya.

Natigilan naman ako sa mga narinig. TAPUSIN?
Hindi ako makapaniwala.

Alam kong matagal na panahon naring nagtitiis si kuya sa pamilya Mondragon pero ang pagkakaalam ko ay mabait naman si Ate Chin, ngunit hindi ko narin lubos maisip ang mga pinagdadaanan ni kuya sa mapagmataas na pamilya ni ate.

Isa ring arrange marriage ang pagsasama nila pero dahil sa negosyante ang mga magulang ni ate at hindi naman linyada ni kuya ang pagpapatakbo ng kompanya. Bilang nag-iisang anak ay si Chin ang kasalukuyang nagpapatakbo ng kanilang negosyo, ang Chix Enterprises.

"Hiwalay na kami bunso." malungkot na patuloy pa niya.

"Kuya?" nahahabag ako para kay kuya. Bahagyang niyakap ko na siya.

"Don't worry bunso! Ayos lang naman ako dito. Maghahanap lang ako ng maayus-ayos na malilipatan kapag makapag-ipon-ipon na at saka balak kong magpatayo ng sarili kong laboratory. Hinihintay ko pa ang approval ng loan ko sa BDO. Huwag mong sabihin kay Thesa at lalo na kina daddy. Makadagdag pa ako sa problema ng pamilya." nawawalang pag-asa pang sambit niya.

Kung may maitutulong lang sana ako. Ghad, wala man lang akong mapapahiram kay kuya! Kahit piso ay wala ako.

"My Loves," narinig kong tawag pa ni Jimmy sa labas ng apartment ni kuya.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon