''The turning point in the process of growing up is when you discover the core of strength within you that survives all hurt.''
- Max Lerner.
Dianne POV
Wala paring tigil na sinamsam ni Jimmy ang bawat parte ng katawan ko. Nandidiri ako sa mga ginagawa niya. Diring-diri ako sa aking sarili. Naghuhuramentado ang dibdib ko. Masakit!
"Hindi kita mapapatawad!" mga katagang paulit-ulit na lumalabas sa mga labi ko hanggang sa namamaos na ang aking tinig.
Maya-maya'y naramdaman kong napahinto narin siya at isinubsob na niya ang kanyang mukha sa aking balikat.
Nananakit naman ang buong katawan ko at patuloy parin sa pagpatakan ng mga likidong nanggagaling sa aking mga mata. Hindi ko parin mapigilan ang panginginig ng mga kalamnan ko.
Doble-dobling kaba at takot ang nararamdaman ko. Sobra-sobrang sakit, parang durug na durog ang puso ko. Hindi ako nakagalaw habang nakadagan parin siya sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang sunud-sunod na tibok ng kanyang puso at ang malakas niyang paghinga.
Ilang sandali din kami sa ganoong posisyon.
"Ano ba'ng naging kasalanan ko sa'yo Jim?" nanginginig at walang lakas na tanong ko sa kanya. Parang mabibiyak ang dibdib ko.
Napaangat na siya ng ulo saka muli niyang kinulong ang magkabilaang pisngi ko at pinunasan ang aking mga luha.
Nanginginig parin ang bawat kalamnan ko. Diring-diri ako sa mga pinaggagawa niya sa katawan ko.
Umalis narin siya sa pagkakadagan sa akin saka mabilis na tinungo ang Dressing Room.
Nanatili parin akong nakahiga kasabay ng walang tigil na mga pagluha sa mga mata ko. Malapit na niyang makuha ang pagkababae ko. Tuluyan na akong napahagulhol sabay hila sa kumot patakip sa aking kahubaran.
Ipinikit ko na ang aking mga mata. Pagud na pagod na ako. Masakit na masakit na!
Nakatulog akong puno ng luha ang aking mga mata.
Pagkamulat ng mga mata ko'y isang tahimik na silid ang bumungad sa akin. Basang-basa narin ng luha ang unan. Pinunasan ko na ang mga luha sa aking mga mata. Napabangon na ako saka niyakap ang sarili.
Kailan ako magigising sa bangungot na ito? Tanggalin Niyo po sa akin ang pasaning ito. Nakakapagod na po ako!
Nagpasya na akong tumayo at ayusin ang sarili. Uuwi na ako sa bahay at hindi na ako babalik pa dito.
Pumunta na ako ng Dressing Room habang tapis ko parin ang kumot. Kumuha na ako ng towel saka pumasok sa banyo.
Isinabit ko na sa clip ang towel at malakas na ini-open ang shower.
Kasunod ng mga patak ng tubig ang mga luhang malayang nagsipagpatakan sa aking mga mata.
Hanggang kailan ko mararamdaman ang ganito?
Nakakapagod na... Pagud na pagod na ako?
Hindi parin maalis sa isip ko ang mga kapusukan ni Jimmy. Ang mga halik at haplos niya sa akin.
Gusto kong tanggalin ang bawat bakas niya sa katawan ko.
Hindi man niya nakuha ang pagkababae ko pero pinagsamantalahan niya parin ako.
I'm physically molested...
Ilang beses ko nang sinabon ang sarili ko ngunit ramdam na ramdam ko parin ang mga kapusukan niya at ang mga kamunduhang pinaggagawa niya sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
Любовные романыBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...