Chapter 18 - in the SeaShore

12.4K 315 75
                                    

'''You'll never find peace of mind until you listen to your heart.''
-George Micheal

.

Dianne POV

Pagkatapos naming magsimba ni Jimmy sa Sanctuary de San Antonio Parish ay halos kalahating oras ang nakalipas nang narating namin ang tabing dagat.

Mayroon na palang six feet tall steel gate at naka-concrete perimeter fence narin. Gosh, sino namang magnanakaw ang papasok dito?

Nakabukas na iyon kaya diretsong ipinasok na ni Jimmy ang sasakyan sa loob. Natampad sa paningin ko ang malinis na paligid. May nakatayo na ring isang kubo na nasa ilalim ng niyog na dating pinagkainan namin.

Napansin ko rin ang sasakyang minamaneho ni Mang Danny. Napakaway pa siya nang makita niya kami. May kasama siyang isang nasa mid-forties na babae, na sa tantiya ko ay maybahay niya at dalawang binatilyo na abala naman sa pag-iihaw.

"Kasama ni Danny ang pamilya niya." sabi narin ni Jimmy at ipinarada na niya ang sasakyan malapit sa kubo.

Napatango naman ako saka tahimik na akong labas ng sasakyan. Ngiti namang sinalubong nila ako.

"Magandang umaga Ma'am Dianne! Siya nga pala si Josefa, ang asawa ko." ngiti pang pakilala ni Danny at itinuro pa ang dalawang binatilyo. "Saka ang mga anak namin, sina Dennis at Johnny."

"Magandang umaga Ma'am!" masaya pang bati ni Manang Josefa at ng dalawang anak ni Mang Danny sa akin.

Nagsukli naman ako ng isang ngiti, "Magandang umaga din. Mabuti at nakasama namin kayo."

"Oo, mahirap kasing tanggihan si Sir Jimmy!" ani Manang Josefa.

Naramdaman ko ang presensiya ni Jimmy sa likuran ko at hinawakan pa niya ako sa beywang.

"Magandang umaga Sir Jimmy!" ang bati naman niya kay Jimmy.

Isang ngiti naman ang itinugon ni Jimmy sa kanila.

"Malapit ng maluto itong mga inihaw sir!" sambit ni Mang Danny. "Nakahanda narin po sa loob ang mga pagkain."

Napatango naman si Jimmy at iginiya na niya ako papasok sa kubo.

Nakakatakam na naman ang mga pagkaing nakahanda sa hapag. Inisa-isa ko talagang tiningnan. Nauna talaga akong tumingin sa mga dessert. Oh my, black forest cake, gosh my all times favorite! Mango float, buko salad, chocolate bars, soft drinks, red wines. Sizzling chicken, steam crabs, calamaris, fried shrimp, sinigang pero mas gusto ko 'ata 'yong niluluto ng mga bata na squid barbecue.

Nakaramdan na tuloy ako ng gutom.

Inihila na ni Jimmy ang isang upuan kaya napaupo narin ako roon.

Naguguluhang napatingin ako sa kanya. Hindi pa ba tapos itong pagiging maalaga niya sa akin? Tataba ako nito. Ayaw kong masanay baka hanap-hanapin ko!

Ghad, ASSUMERA LANG, WALANG KOKONTRA!

"Kumain ka na Love. Kakausapin ko lang si Danny." sambit pa ni Jimmy at hinaplos pa ang magkabilaang balikat ko saka hinalikan pa niya ang buhok ko bago ako iniwan.

Nakakapangilabot na naman ang ginawa niya! Mabuti pa ngang umalis na siya para hindi ako mailang habang kumakain. Ang ngiting nasasaisip ko at sinimulan ko talaga kunin ang plato at kutsara. Mag eleven o'clock pa lang naman kaya magdessert na lang muna ako. Nag-slice na ako ng black forest at mango float. Nakakatakam!

Maya-maya'y narinig ko ang tawag sa akin ni Manang Josefa kaya napalingon ako sa kanya.

"Kain po tayo Manang Josefa!" ngiting yaya ko.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon