Extra Chapter: her Dad

1K 33 6
                                    

"Anyone can give up; it is the easiest thing in the world to do. But to hold it together when everyone would expect you to fall apart, now that is true strength."
-Chris Bradford


.

CCEO Mondragon POV

Nagdidiwang ang kalooban ko habang papasok ng sasakyan si Chin. 

Akala ko ay tuluyan na talaga siyang sasama kay Jason Suarez ngunit nagkamali ako. Tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ko.

"Good!" halos pumapalakpak ang buong kaluluwang sambit ko. "Mabuti't nag-iisip ka Chin! Never settle for less than you deserve." kumento ko pa saka napatingin sa labasan.

"LOSER!" may panlalait pang tawag ko kay Jason, na hindi narin nakaimik pa dahil sa kabiguang nararamdaman. Iniisip talaga niyang sasama sa kanya si Chin. "Poor guy deserve it!" may pangungutyang patuloy ko.

He's too good for Chin pero hindi iyon ang sukatan ng pagkalalaki niya. Kung tinanggap lang niya ang pamamalakad ng Chinx Enterprises. Kung pinatunayan lang niyang kaya niyang humawak ng negosyo. 

Hindi palamunin ang kailangan ko para sa anak ko!

Magaling Chin! Isa ka ngang Mondragon. Napangisi na ako.

"Nasisiyahan ba kayo kapag nakikita ninyong nagiging miserably ang buhay ng mga taong nakapaligid sa inyo?" blangkong sambit pa ni Chin maya-maya.

Naningkit naman ang mga mata ko sa mga narinig. Napansin kong natuto narin siyang sagut-sagotin ako.

"Let's go!" utos ko na sa driver, na atubili namang pinatakbo ang sasakyan.

"Kailan niyo ba isaalang-alang ang kapakanan iba? Hindi ka ba natatakot na mag-isa sa buhay? Paano kung dumating ang araw na ikaw na lang ang maiiwang mag-isa?" patuloy pa niya.

"Marami akong kayamanan. Sapat na ang pera ko para pambayad sa bawat mag-aalaga sa akin hanggang sa kamatayan ko at libingan." puno nang kayabangang sagot ko. "Ano'ng ikinatatakot mo? Pera lang ang halaga ng mga tao." 

Napalingi pa siya, "Hindi nabubuhay ang tao sa sarili lamang!"

"Kalokohan! Pera lang ang halaga ng mga tao. Iiwan ka din nila kapag wala ka nang pera. Kapag wala ka ng maibigay ay mawawala narin sila." giit ko.

"Gaya rin ba ng pang-iiwan ninyo kay Mr. Ceasar Suarez?" tila nang-uusig na tanong pa niya.

"Enough!" inis na sambit ko. Napakuyom ko na ang mga kamao saka napasandala sa upuan.

Muli kong naalala si Mitchi, ang namayapa kong asawa. Kung alam lang ni Chin ang hirap ng mga pinagdaanan namin ng mommy niya noong panahong halos mamalimos kami sa kawalan.

.

Chin POV

Napatahimik na lamang ako. Kahit kelan ay napakagaspang talaga ng pag-uugali ni daddy.

Napatingin na ako sa labas ng bintana at pasimpleng tinapunan ng tingin si Jason habang papalayo. "I'm sorry! Kung magagawa ko lang sana... kung puwede sana! Ngunit hindi... walang katahimikan ang buhay ko. Mapapagod ka lang!" sinisigaw ng utak ko. 

Napalingi-lingi na ako saka muling ibinaling ang tingin kay daddy, na nasa malayo narin ang iniisip. Mariing napatingin na ako sa kanya. 

Katulad ni daddy, mamamatay din akong walang katahimikan at nag-iisa dahil sa buhay na pinili ko. 

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon