Extra Chapter: New Year's Eve (SPG Alert)

1.9K 36 1
                                    

"The merry year is born LIKE the bright berry from the naked thorn."
-Hartley Coleridge
.

WARNING:

May mga tagpo pong hindi suitable sa mga minor.
Skip na lang po!
Read at your own RISK!!!
Thanks a lot!

.

Dianne POV

Napakaaliwalas ng aking pakiramdam habang nakasandal sa kaliwang balikat ni Jimmy at sinusuklay naman ng kanyang mga daliri ang buhok ko.

Nandito kami ngayon sa balkonahe at pinagmamasdan ang mga fireworks na sunud-sunod na nagliparan sa himpapawid.

"Hindi parin ako makapaniwalang magkasama nating sasalubungin ang bagong taon my Loves." masayang bulalas ng aking mga labi saka napatingin na sa kanyang mukha.

"Happy New Year my Loves!" sagot naman niya saka itinaas pa niya ang aking baba saka hinalikan na ako sa mga labi.

"I love you!" sambit pa niya pagkatapos.

Ghad, kinikilig na naman ako! Hindi talaga nagsasawa ang lalaking ito na halikan ako.

"Naalala ko pa noong mga bata pa kami nina Kuya Jason at Ate Thesa." naalala ko na naman ang nakalipas, na masaya naming inaabangan ang mga fireworks sa pagsalubong ng bagong taon.

"Unang beses mong isinali sa usapan ang kuya mo. Hindi mo ba siya kasundo?" tanong pa niya.

"Actually si kuya talaga ang pinakakasundo ko pero simula noong nakapag-asawa siya tatlong taon narin ang nakalipas ay hindi na kami masyadong nagkikita at nakakapag-usap. Bantay-sarado din kasi ang bahay ng asawa niya. Isang arranged marriage din." malungkot na kuwento ko.

Tatlong taon naring ikinasal si kuya kay ate ngunit hanggang sa ngayon ay wala parin siyang kasayahan.

Napasulyap na naman ako kay Jimmy.
Mabuti na lang at minahal ako. Walang pagsidlan ang kasayahan at kaligayahang nasa puso ko sa mga kamay ni Jimmy.

Sana si kuya ay matagpuan din niya ang kaligayahan.

"Padamihan kami ng pagbilang ng mga fireworks my Loves. Kay kuya ang kulay pula, kay ate ang dilaw tapos ang sa akin naman kulay puti." ang pag-iiba ko ng kuwento.

"Bakit naman puti? Mahilig ka naman sa pula." komento pa niya saka hinaplos ang tungki ng aking ilong.

"Ako kasi ang bunso. Nauna na silang mamili ng kulay. Kawawa naman ako pero hindi rin naman pala masama ang mahuhuling pumili. Pati kasi mga bituin sa kalangitan ay kabilang sa binibilang ko." natatawang sambit ko.

"An'daya mo naman. Kala ko patas ka sa labanan." natatawang sambit pa niya imbes na tanong.

Napangiti naman ako, "Para-paraan lang my Loves! Sa buong buhay mo ba ay hindi ka nandaya?"

"At bakit napunta naman sa akin?" naramdaman kong ibinuhol pa niya ang mga buhok ko at itinaas iyon kasunod nang marahang halik sa aking batok.

Oh my, bigla namang nabuhay ay pagnanasang nasa kaloob-looban ko!

"Kapag negosyante ka, utak ang dapat na pairalin mo. Mautak ka lagi at saka marunong ka ring maglaro ng basketall para alam mo kong kelan ipapasa o ipapasok ang bola." patuloy pa niya habang walang tigil na hinahalik-halikan parin ang batok hanggang sa punuan ng baba ko pababa.

"Kaya ba nautakan mo ang daddy mo?" nakikiliting tanong ko ngunit hindi pala ang daddy niya kundi ako. "Kaya napaikot mo ako Mr. Monteverdi?"

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon