Chapter 12 - in the Beach

12.3K 309 38
                                    

''It is in your moments of decision that your destiny is shape."
-Tony Robbins

.

Dianne POV

Hindi na ako umimik pa hanggang sa narating namin ang isang fast-food restaurant. Nag-drive thru order na siya nga mga pagkain.

Pagkatapos ay isang mahaba-habang biyahe na din bago narating namin ang isang abandonadong resort.

"Hindi kaya ma-trespassing tayo dito?" kunot-noong tanong ko.

Hindi pala abandonado dahil wala pang istrukturang ang nakatayo sa paligid. Napapaligiran pa ang mga dinadaanan namin ng mga damo, na halatang hindi pa nagagalaw ang area sa original nitong postura.

"Binili ko last two months ago." sagot naman niya at inihinto na ang sasakyan sa lilim ng mga puno ng niyog, malapit sa tabing dagat.

Napababa narin ako ng sasakyan at dala-dala ang mga meals na binili niya. Napatingin na ako sa paligid. Nangangasul ang dagat at nakakasilaw ang tila gintong mga buhangin. Gosh, parang masarap magtampisaw at lumangoy sa tubig!

Napapikit na ako at sinamyo ko na ang maaliwalas na paligid. Super relaxing naman dito!

Naramdaman kong kinuha na ni Jimmy ang mga brown supot sa palad ko.

Ilang saglit pa at napamulat naman ako ng mga mata saka nilingon siya.

Nakita kung may nailatag na pala siyang mat sa buhanginan at kasalukuyang inilalabas narin niya sa supot ang mga pagkain.

"Diba nagagalit ka sa akin? Take your time! Isigaw mo lang lahat ng galit mo..." baling pa niya sa akin saka napaupo narin siya sa mat.

Napakunot-noo naman ako. Hindi makuha ang sinasabi niya.

"Take your time! Isigaw mo lang lahat ng galit mo... sa akin." utos pa niya.

Ghad,  tama ba ang mga narinig ko?

Sinenyasan na niya akong pumunta sa dalampasigan kaya napahakbang naman ako papalapit sa dagat. Kumuha pa ako ng tatlong maliliit na batong nadadaanan ko.

Itinaas ko na ang mga kamay ko nang mapalapit na ako sa dagat. "Ahem..." sinimulan ko ng pakawalan ang garalgal sa lalamunan ko.

"Sana makawala na ako sa bangungot na ito!" mahinang sambit ko at ibinato ko ang isang hawak na bato sa dagat kasabay naman patak ng aking mga luha.

Oh my, hindi pa pala nauubos ang aking mga luha.

Bakit ba ganito kahirap ang sitwasyon ko? Hindi po ba puweding iba na lang ang sumalo nito? Juicecolored, tanggalin niyo po sa akin ang pasaning ito! Tuluyan na akong napahagulhol.

Sabihin ninyo ang nararapat kong gawin para makawala ako dito? Parang awa niyo na po! Nadudurog na po ang puso ko. Masakit na masakit!

Marami pa po akong pangarap sa buhay ko. Nakikiusap ako! Please po, kaawaan ninyo ako!

"Sana magiging maligaya naman po ako!" mahina paring sambit ko at ibinato na ang pangalawa.

Pinunasan ko na ang mga luha at nagpakawala ng sunud-sunod na hininga. Sana magiging maligaya ako at magkaroon ng tahimik na buhay.

"I hate you Jimmy kasi an'sama-sama ng ugali mo!" malakas na sigaw ko at itinapon ang huling bato na nasa palad ko.

"I HATE YOU JIMMY!" paulit-ulit na naiinis na sigaw ko.

Ayaw kong maging parte ka ng buhay ko. Sana'y pakawalan mo na ako at ibigay mo na sa aking ang kalayaan ko! Sana! Sana! Sana!

Hanggang sa tuluyan na akong napaupo sa buhanginan at hawak-hawak ko ang aking dibdib. Masakit parin!

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon