Extra Chapter: her Confession

1K 28 10
                                        

"Clouds come floating into my life, no longer to carry rain or usher storm, but to add color to my sunset sky."
-Rabindranath Tagore

.

Jimmy POV

Nandito kami ngayon ni Dianne sa isang five star hotel upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga plano. Ngunit nakadama ako ng pag-aalala para kay Tito Mauricio.

Alam kong nakakabuti kay Chin ang ginawa namin ngunit hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa kanya.

Ano kaya ang ginagawa niya sa oras na ito? Kumain na kaya siya? Hindi maatim ng konsensiya ko kung may mangyaring hindi maganda.

Kilala ko si tito. Lahat na siguro na santo ay pinagmumura na niya.

"Are you okay my Loves? Hindi mo ba nagustuhan ang mga inorder natin? Sabi ko naman kasi na sa bahay na lang sana tayo." nag-alalang baling pa ni Dianne sa akin.

"Nop my Loves, naiisip ko lang si Tito Mauricio." sagot ko saka pilit na napangiti at nagsimula narin akong sumubo ng pagkain ngunit tila may garalgal na nasa aking lalamunan.

"Pupuntahan ko si tito after lunch. Okay lang ba my loves na ihatid kita sa mansion pagkatapos nito? Baka matagalan kasi ako kay tito."

Isang ngiti naman ang ibinigay niya saka napatango."Huwag mo akong alalahanin. Nandoon naman ang mama mo." may paglalambing pang tugon niya saka hinawakan pa ang aking palad.

Kahit papaano ay nabawasan ang tinik sa aking dibdib dahil hindi niya ako binibigyan ng pasanin. Puwera lang 'ata ang sakit sa puson! My goodness, ano ba'ng kahalayan ang nasasaisip ko?

Tahimik na akong kumain at pagkatapos ay inihatid ko na siya ng mansion.

.

"Sigurado ka ba sa pinaggagawa mo my Loves?" nag-aalala paring tanong ko kay Dianne habang papasok na kami ng mansion.

Isang ngiti naman ang isinukli niya sa akin saka kinindatan pa ako. "Just congratulate me for the job well done my Loves! Ipinagdiwang na nga natin kanina. Babawiin mo pa ba?" ang natatawa pang sabi.

Napalingi naman ako saka bahagyang niluwagan ang aking tie, "Alam ko ang ugali ni Chin, paano kong iba ang mangyari?"

Hindi na siya nakasagot pa at matamang napaisip. "Ghad, hindi ko iyon naisip my Loves! Oh my, hindi ko alam!" tila nababahala naring sambit niya.

Natatawang hinawakan ko na ang tungki ng kanyang ilong at inakbayan na siya.

"Iyon na lang 'ata ang nahuhuling baraha. Kung hindi mag-work ay iwan ko na. Ghad, wala na 'ata tayong magagawa pa. Mabuti pa nga at ikaw na ang kumausap kay tanda baka magbago pa ang isip niya. Ayaw ko ng magpaka-stress sa dalawang halata namang mahal parin nila ang isa't isa." kibit-balikat niyang patuloy.

Natigilan naman ako sa mga narinig. "Sino'ng tanda?"

"Iyong masungit na matandang nasa Mondragon Empire na gustong manipulahin ang buhay ng kanyang nag-iisang anak dahil natatakot na mag-isa, na my goodness! Bakit ba kasi ang kuripot ng pamilya ninyo pagdating sa pagkakaroon ng anak. Eh, ang yaman-yaman niyo naman! Hindi niyo ikakahirap ang pagkakaroon ng maraming anak." sunud-sunod na sambit niya.

Napangiti naman ako saka inilapit ang mukha sa kanyang tenga. "Ibahin mo ako my Loves. Gusto ko ng maraming mga anak." sabay halik sa kanyang batok.

Bahagyang nakiliti naman siya at napaharap na sa akin. "Of course my Loves! Show me..." Ipinatong na niya ang dalawang palad sa aking batok at nanghahamong napatingin sa mga labi ko.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon