Extra Chapter: the Goodbye

1K 40 2
                                        


Kaway-kaway naman diyan mga beshy! Marami po akong nakikitang mga silent reader dahil sa mga sunud-sunod na views. Sana ay lumabas po kayo at makapag-vote! Pagbigyan niyo na po ang munti kong kahilingan mga beshy.🙏 Please press the star 🌟!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

.

''Love begins with a smile, grows with a kiss, and ends with a teardrop.''   -Anonymous 


Chin POV

Tahimik lang kaming palakad-lakad ni Jason sa labas ng Mondragon Empire.

"Ano'ng pinagkakaabalahan mo?" basag ko sa katahimikang naghahari sa paligid.

"Sa lab lang. Wala naman akong ibang pagkakaabalahan." tugon naman niya saka bahagyang napatingin sa akin.

"Doon tumatambay sina Diane sa condo. An'kulit kulit lang. Pero nakakamiss din. Halos matagal narin kasi kaming hindi nakaka-bonding ni Bunso. After three years ulit. "

"Simula noong ikinasal tayo." may guilt na sambit ko. Simula nang ikinasal kami ni Jason ay hindi na siya nagkakaroon ng pagkakataong makihalubilo sa kanyang pamilya.

"Hindi naman sa ganoon!" agad na bawi naman niya.

"Sa loob ng tatlong taong nakulong sa akin kaya huwag mo nang itanggi pa. TATLONG TAON." may diin na paalala ko. "Mabuti naman ngayon at bumabalik na sa dating buhay mo." mapaklang wika ko saka iniba ang tingin.

"Hindi na gaya dati ang buhay ko. Na-mi-miss ko ang buhay na kasama ka." ang mariing sagot niya.

Biglang may kumirot naman sa dibdib ko.

"Kahit madalang lang tayo mag-usap. Kahit hindi mo ako kinikibo. Kahit isang pagkakamali ang iniisip mo sa kasalang ito. Kahit wala kang katiting na nararamdaman sa akin. Kahit hindi mo ako gusto." sunud-sunod na sambit pa niya.

Parang nalunok ko naman ang dila ko sa mga narinig. Bakit kong kelan pinakawalan ko na siya ay saka naman niya ginagawa ito? Pinapagulo lang niya ang utak ko.

"Siguro nga ay selfish ako dahil hanggang ngayon ay ayaw parin kitang pakawalan. Na-mi-miss ko ang presensiya mo. Na-mi-miss ko ang pinagsisilbihan ka. Na-mi-miss kita!" parang nadudurog na deklarasyon pa niya.

"Nang umalis ka ng mansion ay inalis mo na rin ang lahat na nag-uugnayan sa ating dalawa. Hindi mo narin naman ako kailangang pagsilbihan. Maraming kasambahay sa mansion na gagawa niyon." blangkong tugon ko na kahit kanina pa'y nasasaktan.

Naramdaman kong hinawakan na niya ang aking palad, "Umalis ako dahil akala ko iyon ang nararapat ngunit hindi!" napalingi pa siya saka inilapit ang aking kamay sa kanyang dibdib. "Masakit na masakit Chin! Alam kong walang-wala ako ngayon pero magsusumikap ako para sa ating dalawa."

Hindi na naman ako nakasagot. Hindi ma-absorb ng utak ko ang mga sinasabi niya.

May bigla namang pumaradang itim na sasakyan sa harapan namin.

Napatingin na ako roon.

Nakita ko ang nagbabagang mga titig ni daddy sa akin. "Uuwi na tayo!" makapangyarihang utos pa nito.

Tangkang bawiin ko ang aking palad kay Jason nang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya.

Iginiya na niya ako papalapit kay daddy. "Sa akin na dad sasama si Chin simula ngayon."

Natigilan naman ako. Ano'ng? Ano'ng pinagsasabi niya? Hindi ako makapaniwala.

"Ano'ng ipapakain mo kay Chin? Kahit nga masilungan ay wala ka." nagpipigil na tanong ni daddy at masakit na tinitigan si Jason.

"Wala ho akong maipagmamayabang na kayamanan sa inyo at hindi ko man makakayang ibigay ang lahat na karangyaan kay Chin ngunit pinapangako ko sa inyo na gagawin ko ang lahat para hindi siya maghihirap at mahirapan sa piling ko." sunud-sunod na sambit pa ni Jason.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig. Unang beses siyang naglakas-loob na kausapin si daddy.

"CHIN, UWI!" naiinis na sambit ni daddy sa akin, imbes na kausapin pa si Jason.

Napatingin naman si Jason sa akin, nakikiusap ang mga titig niya. "Pagmamahal ko lang ang makakaya kong ibigay sa'yo ngayon Chin pero gagawa ako ng paraan. Hindi ako susuko para sa ating dalawa. Mahal na mahal kita!" sunud-sunod na may pagmamakaawang sambi pa niya habang hinahalik-halikan ang kamay ko. "Pakiusap Chin!"

Napalingi naman ako saka binawi ang aking palad, "I need to go!"

.

Jason POV

Parang mamamatay ako sa sakit habang sinusundan ng tingin si Chin na pumasok sa sasakyan ni tanda.

Napatingin na ako sa itaas para pigilan ang mga luha sa pagpatak.

Parang pinipiga ang dibdib ko. MASAKIT NA MASAKIT!

-----------------------------------------------

Susunod na po ang pagtatapos ng kabanata ng buhay mag-asawa nina Chin at Jason! Abangan niyo po mga beshy! Thanks a lot! Lovelots! 💖

Hanggang sa muli!

-NyllelaineNyeNight

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon