"When things are bad, it's the best time to reinvent yourself."
- George Lopez
.
Dianne POV
Binitiwan ko na ang pagkakahawak ko sa dibdib ni Jimmy saka pinunasan ko na ang aking mga luhang hindi nagpapaawat sa pagpatak.
Base sa naging reaksiyon ng mukha ni daddy ay ako pa yata ang lumalabas na masama sa pagkakataong ito.
Hinaplos pa ni Jimmy ang magkabilang mga pisngi ko saka pinunasan niya ng sariling mga daliri ang aking mga luha. "I'm sorry Love!" sambit pa niya saka inilapit pa ang noo ko sa kanyang mga labi at sinilyuhan iyon ng halik.
Parang napako ako sa kinatatayuan. Nakaramdan ako ng kakaibang takot dahil nagbait-baitan na naman siya sa paningin ni daddy. Napakuyom na ako ng mga kamao. Gusto ko na talaga siyang suntukin at hubarin ang maskara niya sa harapan ni daddy.
"Ano'ng nangyayari?" tanong muli ni daddy.
Hindi ako nakasagot pa, napako na ang tingin ko kay Jimmy. Isang hindi mawaring awra na naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Nanatiling nakatikom lang ang mga labi ko at hinihintay ko na lamang kung ano na namang kasinungalingan ang lalabas sa mga labi niya? Todo-pigil ang ginagawa ko dahil anumang oras ay gusto ko na talagang sumabog.
"Believe me, hindi na mauulit!" nagsusumamong patuloy pa niya sa akin saka napatingin na siya kay daddy.
"May ikinasama lang ng loob sa akin si Dianne dad pero maaayos din namin ito! Aayusin po namin pangako." sagot niya kay daddy at ibinaling ulit ang atensiyon sa akin.
"Huwag ka nang magalit sa akin Love. Hindi na talaga mauulit. I'm very sorry! Please, bati na tayo!" parang batang nagpapaawang sambit pa niya at niyakap na ako.
"Kayong mga bata talaga!" ngiti pang sabi ni daddy.
Natigilan ako habang hindi parin niya ako binibitiwan, kayang-kaya talaga niyang manipulahin si daddy. Magaling talaga siyang mag-inartista. Pang-hollywood ang drama ng peg! Nakakainis!
"Pakawalan mo na ako!" mahinang utos ko at nagkukumawala na sa pagkakayakap niya.
"Hindi iyan mangyayari Love! Lagi mong tandaan na akin ka lang!" pabulong na sagot pa niya saka bahagyang hinalikan na ako malapit sa tenga.
Bigla na naman akong kinilabutan. Nanginginig ang mga kalamnan ko. Gusto ko na namang umiyak. HINDI MAAARI, Ghad!
"Let's go!" yaya na ni daddy at nagmamadali na siyang lumakad papalabas ng pintuan.
Muling hinawakan ni Jimmy ang kanang palad ko at iginiya na ako. "YOU'RE MINE!" ngiti pang sambit niya.
Binabawi ko ang palad ngunit mas lalo pa niyang idiniin ang pagkakahawak roon. Nakakainis!! Parang nakalutang na naman ang mga paa ko sa habang lumalakad.
"Sandali lang!" mahinang sambit ko at napahinto naman si Jimmy saka napatingin sa akin.
Bahagyang napahawak na ako sa siko niya para makakuha ng lakas. Ghad, ano bang nangyayari sa akin? Umiikot 'ata ang paningin ko.
"Are you okay Love?" nag-aalalang tanong niya at inalalayan na ako.
"Okay lang ako!" ang mahina paring sambit ko saka napabugtung-hininga.
Ilang sandali pa at kumawala na ako sa kanya. "Kayo na lang ni daddy ang lumabas. Magpapahinga na lang muna ako. Parang umiikot ang paningin ko." sabi ko at tangkang papanhik na ako nang hawakan niyang muli ang aking palad ko.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomansaBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
