Chapter 25 - the Revelation

14.4K 274 22
                                        

''The best thing to hold onto in life is each other.''
- Audrey Hepburn

.

Dianne POV

Natatawa parin ako habang sinusundan ng tingin si Jimmy.

Napakaguwapo nga talaga ng asawa ko. Ghad, parang hihimatayin ako sa kilig kung paano niya ako titigan! Tila ba nanunuot sa buong sistema ko.

Kamuntikan na naman ako kanina. Pero salamat sa panira moment na sinasabi niya.

Sa kabila ng mga nararamdaman ko'y handa ko na bang ibigay ang buong sarili ko sa kanya? Kahit pa nga'y may nangyari na sa amin ay nakakatakot paring tuluyan ko ng isuko sa kanya ang pagkababae ko! Ghad, ano ba itong mga naisip ko?

Nakaramdan tuloy ako nang matinding pangingilabot sa katawan dahil sa kung anu-ano ang mga iniisip ko?

Nagpasya na akong bumangon at naupo sa gilid ng kama saka inayos ang gown ko.

Napabaling na ako kay Jimmy, na kasalukuyang bumubukas ng pintuan.

"Pasensiya na sir. Kanina pa po ba kayo naghihintay ng mga damit?" nahihiyang sambit ni Manang Josefa at may iniabot pang isang maleta kay Jimmy.

Napatayo naman ako saka napalapit sa kanila. "Salamat Manang Josefa! Kumain na po ba kayo?" ngiti pang bati ko at isinandal ko ang ulo sa balikat ni Jimmy.

Napangiti na ito sa akin, "Hello Ma'am Dianne!" bati pa niya. "Hindi pa nga po maam pero hinihintay na ako ni Danny sa reception."

"May ipag-uutos pa po ba kayo sir?" baling nito ulit kay Jimmy.

"Wala na, mauna na kayo para makapagbihis na kami." seryosong sambit ni Jimmy.

Natango narin si Manang Josefa saka nagpaalam namin. Ipinasok narin ni Jimmy ang maleta at pangiti-ngiti pang muling inilock ang pintuan.

Ghad, may ibig sabihin na naman ang mga nakakalokang ngiti niya!

Muli na niya akong niyakap at tangkang halikan nang may muling kumatok sa pintuan.

"Another panira ng moment! Parang gusto ko na talagang manapak ng tao." naiiritang napabaling ulit sa eyeball si Jimmy habang hindi naaalis ang mga kamay niya sa beywang ko.

"Si Thesa." mahinang sambit niya.

Napalaki ang mga mata ko sa narinig. Si ate? Oh my, siguradong tutuksuhin na naman niya ako.

Binuksan na ulit ni Jimmy ang pintuan.

"Hello bro'," ngiti pang bungad ni ate. "Where's my dear sister?" makahulugang tanong pa niya.

"Nandito ako ate." nahihiyang singit ko at hinarap na si ate.

Ngiti namang niyakap ako, "Gosh, masaya ako sa naging desisyon mo Dianne akala ko ay tuluyan ka ng mag-runaway!"

"Salamat ate! Salamat sa mga sinabi mo." ngiting sagot ko at mahigpit na tinugon ang mga yakap niya. "Siguro nga!"

"Jim, huwag mo ng paiyakin ang kapatid ko ha, makakatikim ka na sa akin." ngiting bilin nito kay Jimmy at nakipagkalas na sa akin.

Napangiti narin si Jimmy. "Don't worry Thesa... ako na ang bahala kay red tomato!"

"Red tomato!?" bahagyang napasimangot ako. "Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Hindi mo na naalala?" ngiting sambit ni Jimmy saka muling hinawakan ang beywang ko. "Never mind Love!"

Napatawa naman si ate. "By the way, may paki-usap pa pala ako, later na iyang lovey-dovey dahil maraming naghihintay na mga bisita sa labas at hinahanap ang newlywed." ngiti pang paalala ni ate.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon