Kamusta mga beshy? Kaway-kaway naman diyan! Marami parin po akong nakikitang mga silent reader dahil sa mga sunud-sunod na views. Isang press naman sa star 🌟 diyan beshy! Thanks a lot! Lovelots! 💖
"Life is too short for constant struggle and pain. Let it go and move on to the beauty and light."
-Mandy Hale
.
Jason POV
Mabibigat ang mga paghakbang ko habang sumusunod kay Atty. Jaime Gustavo hanggang namalayan ko na lamang na papasok na kami sa isang silid.
Lumilipad parin ang isip ko. Hindi narin 'ata gumagana pa ang utak ko sa mga sandaling ito.
Para akong napako sa nakaraan at binabalikan ang mga nakalipas.
Pilit kong nilalabanan ang mga kabiguan at kalungkutang naghahari sa dibdib ko.
Nawawarak ang puso ko sa katotohanang nalalapit narin ang katapusan ng kasal namin ni Chin.
Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin pagkatapos nito.
"Have a seat!" narinig kong sambit pa ni attorney kaya natauhan ako.
Simpleng napatango lang ako at napaupo narin sa bakanteng upuan.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang di-katandaang babae, na sa tantiya ko ay secretary dito sa Hall of Justice.
"Papunta na po dito si Judge Joenito Clemente." ang sambit niya.
Parang sinisiraban ako kahit wala namang apoy sa mga narinig. Hindi na ako mapakali pa. Nalalapit na ang hatulan.
Juicecolored, ito na ang katapusan! Tanggalin Niyo po sana sa sistema ko ang bigat na nasa dibdib ko.
"Wala parin ba si Miss Chin Mondragon?" narinig kong tanong pa niya habang nakatingin sa akin ngunit hindi naman ako nakasagot pa.
Napasulyap na lamang ako sa nakasabit na wall clock. Alas niyebe y medya na nang umaga. Hindi ugali ni Chin ang nahuhuli ng dating.
Napailing na ako kaya lumabas na ulit ang babae.
Maya-maya'y bumukas na naman ang pintuan.
Pinagpawisan ako ng napakalapot. Parang pinipiga ang dibdib ko nang makita si Atty. Severino Fuerto, ang abogado ni Chin.
Napako na ang tingin ko sa may pintuan at hinintay ang pagpasok ni Chin.
Ngunit lumipas na ang halos isang minuto ay walang pumasok. "Si Chin attorney?" ang nauutal na tanong ko kay Atty. Fuerto.
Napalingi naman ito, "Kanina ko pa siya tinatawagan ngunit hindi ko na makontak pa ang cellphone niya."
"Her failure to appear personally in this Pre-trial conference causes her Petition to be dismissed." ang sambit naman ni Atty. Gustavo.
Napalaki naman ang mga mata ko sa huling sinabi ni attorney. "...to be dismissed!?" ang paulit-ulit na naglalaro sa utak ko.
.
.
Chin POV
Natigilan na ako nang papalabas na sana ako ng aking opisina nang makita kong pumasok si Dianne.
Napasilip pa ako sa aking relo. Alas niyebe pa lang nang umaga. Alas niyebe y medya pa ang Pre-Trial at malapit lang naman ang korte kaya may oras pa naman.
"Oh Bunso, napadaan ka? Bakit hindi ka tumawag?" ngiting salubong ko sa kanya at bahagyang niyakap pa siya.
Sa oras na ma-annul ang kasal namin ni Jason ay sobrang ma-mi-miss ko si Dianne.
"Pre-trial conference namin ngayon ni Jason." sabi ko sa kanya habang iginigiya na siya papasok.
Hindi naman siya nakaimik sa balita ko. Magkasabay lang kaming naupo sa couch.
"Alam ko ate pero..." nalulungkot na sagot naman niya maya-maya. "Hindi na ba talaga pupuwede? Alam kung mahal mo naman si kuya bakit kailangan pang umabot sa ganito?"
Hindi ako agad nakasagot sa mga tanong niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kung pagmamahal lang sana ang sukatan. Napababa na ako nang tingin at mariing napapaisip.
"Kailangan muna naming ayusin ang mga buhay namin!" blangkong tugon ko saka napatayo na ako. "I think kailangan ko nang umalis Bunso at baka mahuli pa ako." paalala ko at humakbang na ako papuntang pintuan.
Isang katahimikan naman ang naghari sa paligid kaya muling napalingon na ako kay Dianne, na nasa likuran ko na din pala.
"I'm sorry ate pero kailangan kung gawin ito para kay kuya!" ang sambit pa niya saka mabilis tinakpan ng panyo ang aking ilong at labi.
Nagkukumawala pa ako, "Ano'ng?" takang tanong ko ngunit tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
.
Dahan-dahan na akong napamulat saka napabangon. Nananakit ang aking ulo kaya napahawak na ako dito.
Ghad, ano'ng nangyari? Para akong nagising sa isang matagal na pagkakatulog.
Pinaikot ko na ang aking paningin ngunit natigilan ako nang nasa loob ako ng cabin.
Mabilis na akong napabangon. "My goodness, ano'ng ginagawa ko dito? Paano ako napunta dito?" sunud-sunod na mura ang lumabas sa aking mga labi.
Muli kong naalala ang Pre-trial conference na kailangan kong puntahan.
Tangka kong buksan ang pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa ang lalaking gusto ko ng alisin sa aking sistema.
"Gising ka na pala Babe!" ang ngiti pang sambit niya.
Parang tinusok-tusok naman ng punyal ang dibdib ko. Hindi ko alam kung papaano siya haharapin pagkatapos ng mga nangyari.
Biglang sumikip ang mundo para sa aming dalawa at parang sinasakal ako. "Gusto ko nang umuwi." blangkong sabi ko at mabilis na akong lumabas.
Sunud-sunod ang bawat paghinga ko at tila may tambol na naghuhuramentado sa loob ng aking dibdib.
Isang malamig na hangin ang biglang bumulusok sa paligid kaya napaakap na ako sa aking sarili at napasilip na ako sa labas ng yate ngunit pawang asul na tubig dagat ang nakikita ko.
Nakaramdam ako nang panghihina ng aking kalamnan kaya pahawak na ako sa railings. "Bakit pawang pasakit at iyakan na lang ang nangyayari sa aking buhay?" ang mahinang tanong ko sa kawalan.
Paulit-ulit kong ipinagtutulakan si Jason papalayo pero heto siya at gustong iligtas ang kasal namin. Parang hinahabol ako ng aking konsensiya.
Gusto ko na lamang na umiyak nang umiyak.
-------------------------------
Susunod na po ang huling ng kabanata ng buhay mag-asawa nina Chin at Jason!
Abangan niyo po mga beshy! 💖
Hanggang sa muli!
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
You're Mine!
Storie d'amoreBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
