Chapter 1 - the Substitute Bride

25.5K 594 88
                                    

"Heavy hearts, like heavy clouds in the sky, are best relieved by the letting of a little water."
-Christopher Morley

.

Jimmy POV

"Ayaw kong mapahiya ang pamilya ko sa Business Society Caesar. Gaya ng napagkasunduan kailangang ipakasal ang mga bata." ang naiinis pang sabi ni daddy.

Napahilamos naman ng mukha si Mr. Caesar Suarez, ang kasosyo ni daddy sa negosyo. Umagang-umaga ay hindi na maipinta ang kanyang awra.

Napasandal na ako sa kinauupuan at mariing nakamasid lang sa kanilang dalawa.

Napagkasunduang ipakasal ako sa anak na babae ng mga Suarez bago ako magti-take-over sa posisyon ni daddy sa Sunriser bilang CEO.

Magkaibigan kami ng anak ni Mr. Caesar na si Thesa Suarez ngunit hindi ito sumasang-ayon sa Arranged Marriage, na napagkasunduan.

Ang alam kong wala itong naging boyfriend ngunit nakakadismaya ang mga nasaksihan ko sa kanyang condo unit kahapon. Sa dinami-dami ng tao sa mundo ay bakit si Mark Joshua Lopez pa? Kung hindi lang ako nagtitimpi ay napatay ko na ang lalaking iyon.

Natauhan naman ako nang nagsisimulang uminit ang eksena sa pagitan nina daddy at Mr. Caesar.

Natigilan lang sila nang may kumatok sa pintuan ng library at iniluwa ang isang estudyanteng babae na nakasuot pa ng school uniform.

Mariing napatingin na ako sa babae. Nang bigla kong naalalang ito ang bunsong anak ni Mr. Caesar na si Dianne, dalaga narin pala. Magkamukhang-magkamukha sila ni Thesa maliban lamang sa pagkakaroon nito ng black straight hair saka ang pagiging younger version ni Thesa.

"Dad, I'm sorry for interrupting you! May I come in?" magalang na sambit pa niya.

Napabaling pa roon si Mr. Caesar at biglang umiba ang kanyang awra. "Yes princess!" ngiting sambit nito sa anak.

"Magpapaalam lang sana ako dad na mali-late ako ng uwi mamaya. Magmimake-up class kasi kami laboratory hanggang alas nwebe ng gabi." paglalambing pa niya kay Mr. Caesar habang minamasahe ang balikat nito.

"What is your name hija?" ang tanong pa ni daddy sa kanya.

Ngiting napatingin na iyon kay daddy at sa napakaamong mukha, "Dianne po ang pangalan ko sir, pasensiya na po sa abala!" magalang niyang sagot saka nahihiyang napayuko.

Napatango na si daddy at pasimpleng napangiti, "It's alright hija." ngiti pang sambit nito saka nagbaling na ulit ng tingin kay Mr. Caesar. "Your youngest daughter fits to be my son's bride Caesar." ang kanyang masayang suhesiyon.

Napatango na ako. "I think that's a good idea!" pasang-ayon ko sa sinabi ni daddy at tinitigang muli ang bunsong anak ni Mr. Caesar. "Kung ayaw magpakasal sa akin ni Thesa dahil sa boyfriend niya, then your youngest daughter will be my bride, the substitute bride Mr. Caesar."

Natigilan naman ang bunsong anak ni Mr. Caesar sa mga narinig, "Ano ho'ng sabi ninyo?" naguguluhang tanong niya at nakipagtitigan sa akin.

"We're getting married next month." mahinang sambit ko sa malamig na boses.

Parang sinabugan siya ng bomba sa mga narinig. Ngunit wala narin naman akong pakialam kung sinuman sa kanilang magkapatid ang magpapakasal sa akin. Ang importante sa ngayon ay matuloy ang kasalan at ako na ang magiging CEO.

Matagal ko naring pinangarap na mapasakamay ko ang Sunriser at ngayon nga'y abot kamay ko na. Hindi na ako makakapaghintay pang mangyari iyon.

Napalingi-lingi naman siya, "Hindi po maaari! Twenty pa lang po ako at ang bata ko pa po para magpakasal sa inyo!" nanginginig saka nauutal niyang sambit at binalingang si Mr. Caesar.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon