Extra Chapter - Jason and Chin

1K 26 3
                                    

Treat ko na po ito sa inyo mga beshy dahil na-stess ang lola niyo.

Wala pong bagyong makakapagpapatigil sa atin sa pagsusulat! Kahit anumang unos na dumating ay asahan ninyong makakapagsulat parin po tayo!
Keep safe everyone!

Warning!
Ang bumabagyong damdamin nina Chin at Jason.

May mga eksena pong hindi angkop sa mga bata kaya skip niyo na lang ito mga kiddos.

Read at your own risk!

.

"Because there's nothing more beautiful than the way the ocean refuses to stop kissing the shoreline, no matter how many times it's sent away."
-Sarah Kay

.

Chin POV

Nandito kami ngayon sa itaas ng deck at inaabangan ang paglabas ng haring araw.

Nakaupo ako sa kandungan ni Jason habang nakapulupot sa akin ang kanyang mga kamay.

Nakaramdam ako ng seguridad at kapayapaan sa mga bisig niya.

"Kung isa itong panaginip ay ayaw ko nang magising pa!" pabulong na sambit niya saka hinalik-halikan ang punuan ng aking tenga.

Nakiliti naman ako at nagsipagtayuan ang balahibo sa aking katawan.

Naramdaman kong naghuhuramentado na naman ang aking sistema.

"Tumigil ka nga riyan Jason Suarez!" saway ko sa kanya kahit sa kaibubuturan ay gustung-gusto ko.

Napalingon na ako sa kanya at marahang hinampas ang kanyang lutang na lutang na dibdib.

"Paano ka magigising eh hindi pa nga tayo nakakatulog? Correction pala, hindi mo ako pinapatulog... puro ka kasi kalabit..." ang namumulang paalala ko habang napako na naman ang atensiyon ko sa kanyang hubo't hubad na katawan.

Ghad, gusto kong maglaway! Bakit ba kasi nang maghulog ng magandang panlabas na katangian ang Diyos ay sinalo niyang lahat.

Hindi lang panlabas kundi maging sa panloob ay wala akong maipipintas.

"Kung hindi lang maganda ay pinagbihis na kita!" ngiting sambit ko saka hinaplos ang kanyang dibdib pababa.

Napangiti narin ako nang maramdaman niya ang sensasyon mula sa aking mga haplos.

"Bakit mas lalo 'atang gumanda ang hubong ng pangangatawan mo? Medyo payatin ka pa noong nakaraan. Aba, nagkahiwalay lang tayo ay... Umamin ka nga, sino ang pinaglalaanan mo nito Suarez?" natatakam na tanong ko habang hinawak-hawakan ang mala-pandesal niyang mga abs.

"Iyong-iyo lang iyan babe! Paano mo pala nasasabing nag-iba, eh hindi mo nga ako mabigyan ng kahit kunting pagtingin." malinaw pa sa alas singkong sagot niya.

"May mata ako Suarez, alangan naman ipapaalam ko sa'yo na binubusuhan din kita minsan. Ano iyan basagan ng trip? At saka may pangangailangan din ako kaya sapat na ang patingin-tingin. Alangan namang lagi kitang sasabihang buntisin mo ako palagi! Nakakabawas din iyon ng pride ko. Kuha mo?" ang natatawang sambit ko.

"Ewan ko ba sa'yo? Masyado kang gentleman, eh asawa mo naman ako! Puwede mo naman akong bastusin. Minsan nga ay tinatanong ko ang sarili ko kung ano ang mali sa aking kung bakit hindi ako magustuhan?"

Napatawa na din siya. "All this year, ay nabuhay ako sa paniniwalang wala kang katiting na pagtingin sa akin. Tapos malalaman ko na lang na patay na patay kang mapansin ko. Unfair!"

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon