Chapter 8 - the Burst out

14.1K 397 54
                                    

''They say it's better to bury your sadness in a graveyard or garden that waits for the spring to wake from its sleep and burst into green.''

- Conor Oberst

.

Dianne POV

"Ano ba'ng nagawa kong kasalanan sa'yo? Hanggang kailan mo ba ako tratuhin ng ganito? Hindi ka pa ba napapagod?" naluluhang sambit ko at tinitigan si Jimmy sa mga mata.

"Dahil ako, pagud na pagod na!" niyakap ko ang aking sarili. "Masakit na masakit na dito!" sabay turo ko pa malapit sa aking puso.

Hindi naman siya umimik kaya hinawakan ko na ang magkabilaang kamay niya at bahagyang isinuntok iyon sa akin. "Saktan mo na lang ako physically dahil makakaya ko pang tiisin ang sakit." tila nagmamakaawang utos ko habang paulit-ulit kong sinusuntok ang aking sarili gamit ang mga kamay niya.

Hindi naman siya kumibo at hinahayaan lang niya ako.

Gusto ko talagang saktan ang sarili ko para kusa na lang akong mamanhid sa sakit. Hindi pa ako nakontento, pinagsasampal ko narin ang mukha ko gamit ang mga palad niya.

Nang napagod na ako'y muli ko siyang tiningnan sa mga mata, wala parin akong makitang ekspresyon roon. Blangkong nakatingin lang siya sa akin.

Naiinis na ibinagsak ko na ang mga kamay niya. "Cooled devil creature!" naiinis na sambit ko.

Wala din naman akong napapala. Mas lalo lang sumakit ang damdamin ko. Tinalikuran ko na siya. Hawak-hawak ko na ang aking dibdib habang patakbong papalayo sa kanya.

Gusto kong magsisigaw! Gusto kong isigaw ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong magwala! Gusto kong makawala sa bangungot na ito?

Nanginginig ang buo kong katawan kaya bahagyang napahinto na ako.

"Bakit ganito kasakit?" ang naiiyak paring tanong ko sa kawalan.

Palakad-lakad na ako hanggang sa napadpad na ako sa swimming pool.

Kinuha ko na ang aking sapatos at naupo na ako sa gilid ng pool.

Tiningnan ko pa ang reflection ko sa tubig. Ghad, napaka-miserable na pala ng itsura ko!

Pero maganda pa naman 'ata ako kahit na nagkalat na nga ang eye liner at make-up sa buong mukha ko.

Daig ko pa ang dinaganan ng sampung elepante dahil sa itsura ko sa ngayon. Sabog na sabog na ang itsura ko! Nangingitim pa ang mga eye bag ko.

Kailan ba ako magiging masaya? Magiging masaya pa kaya ako?

Alam kong wala na din naman akong kawala pa kay Jimmy.

Hanggang kailan ko kakayanin ang sakit? Mga katanungang mahirap sagutin. Muling pumatak na naman ang mga luha sa aking mga mata.

Itinaas ko na ang mga paa ko at napaakap na ako sa aking mga tuhod.

Makakaya ko pa ba? Kakayanin ko pa ba ang pasaning ibinigay Ninyo? Hanggang kailan? May katapusan baa ng sakit na ito?

Maya-maya'y nagpasya na akong tumayo. Wala na akong ibang naiisip na paraan para tanggalin ang sakit na nararamdaman ko.

Nakatayo ako sa gilid ng pool habang nakatingin parin sa reflection ko sa tubig saka dahan-dahang napatalikod na ako roon.

Kasabay ng malakas na ihip ng hangin. Nilamig ako kaya napaakap na ako sa aking sarili.

Napapagod na ako! Sana mamanhid na lang ang katawan ko sa sakit.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon