''If you love someone, set them free. If they come back they're yours; if they don't they never were.''
- Richard Bach
.
WARNING:
May mga tagpo pong hindi suitable sa mga minors.
Skip na lang po!
Read at your own RISK!!!!
Thanks a lot!
.
Jimmy POV
Napaka-hopeless ng sitwasyon ni Dianne habang nakaupo sa may hagdanan ng fire exit at punung-puno ng luha ang mga mata niya. "Hindi mo naman sinabing nagkabalikan na kayo ni Grecylle, eh di sanay hindi na ako nagpakasal sa'yo! Pero tama siya, puwede pa natin kunin kay father ang Marriage Certificate para malaya ka ng sumama sa kanya." ang walang tigil sa kakaiyak na sambit niya.
Natigilan ako sa mga katagang ibinato niya sa akin. Hindi man lang ba ako pinipigilan? Mas gugustuhin pa niyang umalis ako at ipawalang bisa ang kasal namin? Itatapon na lang niya ang mga pangako namin sa dambana? Nakaramdan ako ng galit.
"Hindi mo ba muna ako kakausapin?" ang nagpipigil na tanong ko saka naikuyom ko ang aking kamao.
Kailangan kong pakalmahin ang sarili baka may magawa na naman akong lalong ikasama ng sitwasyon.
Hindi naman siya umimik kaya napapaisip-isip narin ako at nagpakawala ng malalim na hininga.
Hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Grecylle.
Tama nga naman, maraming mga opurtunidad ang naghihintay sa akin sa States.
Ang limang taon na pagtatrabaho ko dito sa Pi'nas ay kikitain lamang doon ng isang taon o anim na buwan lang.
Magkakaroon pa ako ng tahimik at maayos na buhay. Napatingin ako sa aking relo saka napabugtung-hininga. Mag-alas dos na ng hapon. Alas-kwatro ang flight ko mamaya.
Ghad! Naguguluhang napaupo narin ako sa may hagdanan katabi ni Dianne.
"Tahan na, bumalik na tayo sa loob." ang mahinang yaya ko.
Hindi ko na alam kung papaano ko siya papatahanin sa ngayon dahil magulung-magulo ang utak ko. Hindi ako makakaisip ng matino.
"Hayaan mo muna ako Jim!" sagot niya at ikinukubli parin ang ulo.
Napahawak na ako sa aking ulo. "Sh*t!" hindi ko maiwasang hindi mapamura. "We need to talk!" ang madiing sabi ko at hinawakan na ang palad niya. "Hindi tayo makakapag-usap ng maayos kapag ganyan ka." sabay kuyom niyon at hinila ko na siya patayo.
Napatingin siya sa akin. Nakita kung punung-puno ng luha ang buong mukha niya. May mga takot naring gumuhit sa kanyang mga mata. Napatayo narin siya saka bahagyang napaatras at binawi niya ang palad.
Ano na naman ang ginawa ko? Parang pinipiga ang puso ko nang makita ang mga takot sa mga mata niya. Hindi ko matagalan ang mga nakakaawang awra niya! Naiinis akong makita ang mga luha niya dahil nanghihina ako.
Ghad, bakit ang kalungkutan niya ang nagiging kahinaan ko?
Ikinulong ko ang magkabilaang pisngi niya at pinaharap sa akin. "Listen to me Dianne!" mahinang sabi ko habang kinukuha ang atensiyon niya.
"Natatakot ako Jim! Tinatakot mo na naman ako." ang naiiyak paring sagot niya.
Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya kaya't mahigpit na niyakap ko siya. "I'm sorry Love!" Iginiya ko na siya papalabas ng fire exit.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
