''Darkness cannot drive out darkness; only light can do that. Hate cannot drive out hate; only love can do that.''
- Martin Luther King, jr.
.
Dianne POV
"Oy Beshy ilang araw kang hindi nagparamdam!" medyo nagtatampo pang bungad ni Hillary sa akin.
"Tinatawagan ko ang phone mo pero laging cannot be reached! Nagpunta pa kami kahapon sa bahay niyo pero sabi ng mommy mo ay maaga pa kayong umalis ni Jimmy." inakbayan pa niya ako saka hinawakan ang aking puson. "Don't tell me na..."
"Sira ka talaga beshy!" ang nahihiyang sambit ko at tinakpan pa ang kanyang bunganga. "Ilang araw lang akong nawala ay kung anu-ano na iyang mga iniisip mo!"
"Malay ko ba kasi naman ay lalo ka yatang gumanda ngayon at saka tumaba ka pa." ngiti pang pang-aasar niya. "Baka naman tinurukan ka na ni Jimmy ng pataba?"
"Ano'ng pataba?" kunot-noong tanong ko. Ano ba kasi itong pinagsasabi niya? My goodness!
Inilapit naman niya ang kanyang labi sa tenga ko, "Isinuko mo ba ang bataan?" ngiti pang bulong niya. "Ninang ako ha!"
Namula naman ang magkabilaang pisngi ko sa mga narinig. Oh my gulay! "Parang hindi ka dalaga beshy kung makapagsalita? Ghad, ang sagwa!" ang namumulang sabi ko.
"Sabi kasi nila natural na daw iyon sa magboyfriend-girlfriend sa panahon ngayon. Paano pa kaya sa ikakasal na?" ngiti pang sabi.
"Ghad, beshy!" sambit ko at hinila na siya papalabas ng classroom.
"Saan tayo beshy?" takang tanong pa niya habang hindi ko parin siya binibitiwan.
"Tatlumpong minuto pa naman bago dumating si Sir Vincent kaya sa canteen na lang muna tayo. Kung anu-ano kasi 'yang sinasabi mo, gutom lang iyan beshy!"
Abot hanggang tenga ang mga ngiti niya habang papunta kami sa canteen at walang tigil parin siya sa panunukso sa akin.
Naalala ko na namang malapit na ngang may nangyari sa amin ni Jimmy. Pero nangako siya kagabi na hindi na raw niya iyon gagawin ulit. Sana nga! After the wedding kaya? Juicecolored baka... oh my goodness! Erase! Erase! Erase!
"Hoy beshy malalim 'ata ang iniisip mo?" nakangiting puna na naman sa akin ni Hillary. "Sabihin mo na kasi, hindi ko naman ipagkakalat! Promise!" sabay taas pa niya ng kanyang kaliwang palad.
Bahagyang napangiti naman ako, "Wala pa ngang nangyayari. Hindi pa nga umabot doon. Satisfied?"
Napatawa naman siya, "Gosh, ang slow naman pala ng fiancé mo!" kinindatan naman niya ako. "Tingnan natin mamaya kung hindi siya maglalaway kapag makita niya ang mga hita mo?"
"Pasaway ka talaga beshy!" napalingi-lingi naman ako. Ghad, ano pang ipapakita ko sa kanya dahil kitang-kita na niya ang lahat sa akin?
Nagmerienda na kami ni Hillary kahit pa nga alas otso pa lang ng umaga. Alas otso y medya pa kasi ang PE subject namin.
After PE ay magpraktis narin kami para sa Christmas production. Tatlong araw din kasi akong hindi nakapagpraktis. Tinutoo nga ni Hillary ang sinabi niya. Nakasuot ako ngayon ng isang napakaikling denim jeans at white sando saka sinamahan pa ng wedge shoes.
Kasalukuyan na akong nakaabang kay Jimmy dito sa labas ng gym dahil sabay na naman kaming maglunch.
Napagod na ako sa kakatayo kaya ay napaupo na ako sa hagdanan.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
