''No matter how far life pushes you down, no matter how much you hurt, you can always bounce back.''
- Sheryl Swoopes
.
Dianne POV
Nakatingin ako sa kawalan habang nakasubo parin sa bunganga ko ang kutsara. Mas lalo 'atang gumulo ang utak ko. Pinaikot ko ulit ang tingin sa kabuuan ng silid!
Ito ang magiging silid namin ni Jimmy? Ang paulit-ulit na sinabi ng isipan ko. Ghad, nakakailang isipin!
Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko dahil nakapagpasya na talaga akong hindi ako magpapakasal kay Jimmy pero bakit tinugon ko ang mga halik niya? Nagkakagusto na ba ako sa kanya sa kabila ng mga pinapakita niya sa akin?
Hindi na nga diba! Hindi ako magpapakasal sa kanya period!
My goodness, bakit niya pala ako hinalikan? Hindi ko maintindihan ang puno ng pagnanasang mga halik niya sa akin.
May gusto na ba siya sa akin? Ghad, napaka-assumera ko dahil malabo namang mangyari!
"Are you okay hija?" narinig kong nag-aalalang tanong ni tita sa akin kaya natauhan ako.
Dali-dali kong kinuha ang kutsara sa bunganga ko, kaloka! Bahagyang napangiti ako sa kanya at tinapos ko na ang aking pagkain.
"Inumin mo na ang gamot mo!" utos pa niya saka nilapitan na ako. Kinuha pa talaga niya iyon at inilabas sa foil para masiguradong iinumin ko nga.
Parang si mommy din itong si tita. Napangiti na ako sa kanya at iniabot narin ang gamot sa palad niya saka ininom ko narin iyon. "Maraming salamat po!" sabi ko.
Ilang sandali pa'y inilibot na niya ako sa kabuuan ng silid.
Manghang-mangha ako sa mga nakita, ghad kompletung-kompleto ang kitchenette sa mga gamit at nasa kanya-kanyang mga ayos!
Ang problema nito ay hindi naman ako marunong magluto o mag-bake. Paano ko magagamit itong Gas Range?
At ano naman ang ipapasok ko sa fridge, malamang ay alak para mag-inuman na lang kami ni Jimmy? Maglalasingan, iyon pwede pa 'ata?
Mayroon ding mga hanging at low cabinet, sinamahan pa ng granite countertop with lavatory sink.
Sa isang sulok may built-in 45 inch Flat Screen TV at components saka may mga CD na nakahilira sa mga CD racks.
Pumunta kami sa Dressing Room. Isang malaking whole body mirror ang sumalubong sa amin pagbukas ng pintuan.
Binistidahan ko ang sarili sa salamin. Oh my gulay, sabog pala ang buhok ko! Hindi man lang ako nakapagsuklay. Pasimply kong sinuklay iyon gamit ng kamay ko.
Nakita kong nakalatag sa ibabaw ng drawer ang iba't ibang klase ng pabango, make-up kit at sari-saring mga accessories.
"Puwede po bang gamitin ang brush ?" nahihiyang tanong ko at iniabot narin iyon.
Napangiti naman siya, "Oo naman! At hindi mo na kailangan pang ipagpaalam dahil sa iyo na din naman ang lahat na nakikita mo dito sa loob."
Tahimik ko nang sinuklay ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Nagmukha na tuloy akong tao saka ibinalik ko narin iyon sa pinagkuhaan ko.
Inihila ko ang drawer handle, natampad sa akin ang kumikintab na mga alahas na may mga brilyante. Sari-saring mga earings, necklaces and pendants. Gosh, yayaman ako kapag ibininta ko ang mga ito!
"May ipapakita pa ako sa'yo!" sambit pa ni tita at ini-open pa ang 4 feet high cover leaf.
Ghad, napalaki ang mga mata ko sa nakita!
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
