Chapter 17 - in the Parish

12.2K 313 97
                                        

"We must let go of the life we have planned, so as to accept the one that is waiting for us."
- Joseph Campbell

.

Dianne POV

Pagdating namin ng Sanctuary de San Antonio Parish ay kasalukuyang nagbabasa na ng gospel ang priest.

Hawak parin ni Jimmy ang palad ko habang iginiya niya ako papasok ng simbahan.

Sa bandang likuran na kami nakaupo dahil halos ay napuno narin kasi ang loob. Nasa pinakadulo ako ng pews samantalang katabi naman niya ang may katandaang babae, na katabi ang mga iba pang may edad narin.

Pinakikiramdaman ko na lamang si Jimmy dahil panay ang tingin niya sa akin. Hindi tuloy ako komportable. Ghad, ano'ng problema ng isang ito? Hindi ako makapag-concentrate.

Itinuon ko na ulit ang atensiyon sa may pulpit kung saan nagbibigay ng homily ang priest.

Ilayo Niyo po sana ako sa tukso para makapakinig ako ng maayos. Ang parang sirang naisip ko.

"Ang tunay na anyo ng tao'y hindi sa balat lamang. Nanunuot ito hanggang sa kaloob-looban." nasa kalagitnaan na sinasabi pa ng priest. "Walang layunin si Jesus na manghiya ng tao. Katulad ng liwanag, ipinakita lang niya kung ano ang tunay na kulay ng kahit na sino. Sa harap ng liwanag, walang kasinungalingan - kung ikaw ay berde, lilitaw ang tunay mong pagkaberde; kung ikaw ay pula, lulutang ang iyong pagkapula. Sa mga katulad ni Herodes na maraming krimeng dapat itago, ang pagsilang ng liwanag - si Hesukristo - ay isang matinding banta. Ginawa niya ang lahat na paraan upang patayin ang liwanag na ito. Ang bunga: lalong lumaki ang kinatatakutan niya. Lalong lumaganap ang dilim para sa kanya. Sa totoo lang, kapag ang isang tao ay tumalikod sa liwanag, lalong lumalakad ang aninong nililikha niya. Tatakbo siya nang tatakbo subalit hindi siya tatantanan sa paghabol ng aninong siya na rin ang gumawa. Sa katunayan, simple lang ang solusyon: harapin ang liwanag." tuluy-tuloy pang sabi.

Napatingin na ako kay Jimmy nang hawakan na naman niya ang kamay ko na nasa aking kandungan. Ghad, nawawala ako sa focus ko!

"Sa pagyakap sa liwanag, lahat ng mga anino ng ating buhay ay magtatakbuhan papalayo..." narinig kong sabi pa ng priest.

Pero bakit ang lalaking ito hindi naman tumatakbo papalayo? Ghad, mas lalo pa ngang palapit nang palapit. Juicecolored! Naguguluhang napataas ako ng kilay dahil hinihintay ko ang sasabihin niya ngunit isang ngiti lang ang binitiwan niya sa akin.

Ano ba 'yan? Parang ewan!

Hanggang sa patapos na ang mass ay hindi parin kami nagkikibuan ni Jimmy. Kinikilabutan ako sa mga sulyap niya, hawak-hawak pa talaga niya ang palad ko.

Binawi ko na ang palad sa kanya at nagmuni-muni muna ako sa loob ng simbahan.

Napakaganda siguro kapag ikinasal ka dito sa Sanctuary de San Antonio Parish? Napapangiti narin ako habang nakatingin sa aisle. Gosh, here comes a bride habang ang groom ay naghihintay sa may altar, my goodness! Nakikinita ko narin ang aisle ay halos napupuno ng mga bulaklak saka may mga kumikintab pa na mga chandelier na nasa ceiling. Tapos dito sa harap ng altar ay masayang magpapalitan ng pangako sa isa't isa ang groom at ang bride. Oh my gulay Dianne, gumising ka nga sa kalokohan mo! Nahihibang na saway ko sa akin sarili.

Oo nga pala, ikakasal na nga kami ni Jimmy pero hindi ko alam kung saang simbahan? ano ba ang motiv? Ilan ba ang mga ninang at ninong? Ilan ba ang imbitado? At ni anino ng wedding invitation ay hindi ko pa nga nakikita, kaloka!

May mga wedding coordinator kasing ini-hire ang mga Monteverdi para magproseso ng mga kakailangangin. Mula sa simbahan, sa reception hall pati na ang mga catering, sa mga souvenirs at lahat na mga requirement sa city hall ay plantsado na yata lahat.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon