''Every day is a new day, and you'll never be able to find happiness if you don't move on.''
- Carrie Underwood
.
Jimmy POV
Nagising akong maaliwalas ang pakiramdam. Napabaling ako kay Dianne, na mahimbing parin sa pagkakatulog sa aking dibdib.
Ngiting inilapit ko ang aking mga labi at hinalikan siya sa noo. Tuluyan ko narin siyang naangkin. Walang pagsidlan ang kasayahang nararamdaman ko. Ako lang ang tanging lalaking pinaghandugan niya ng kanyang sarili kaya abot hanggang tenga ang mga ngiti ko.
Hindi parin ako makapaniwalang natuloy ang kasal naming dalawa at heto nga malaya ko na siyang nakukulong sa mga aking mga bisig.
Maya-maya'y narinig ko ng tumunog ang phone ko kaya dahan-dahan na akong kumalas sa kanya.
[Nasaan ka pa Jim? Kanina pa ako naghihintay dito sa airport. Kailangan mo ng magmadali.] ang nagmamadali pang sambit ni Grecylle sa kabilang linya.
Natigilan ako saka napatingin kay Dianne na nasa kama parin.
[Ano ba Jim? Nandiyan ka pa ba? Papalampasin mo pa ba ang mga opurtunidad? Paano na ang mga pangarap mo? Hindi mo ba naisip na magbabayad ka lang dito ng mga pagkakautang ng daddy ng asawa mo. Nasaan na ang Jimmy na kilala kong may mataas na ambisyoson?] patuloy paring sabi ni Grecylle.
Isang bugtung-hininga naman ang pinakawalan ko. "Papunta na ako." tila nasasaktang sagot ko saka pinatay na ang phone.
Kailangan ko na talagang umalis. Kung papalagpasin ko pa ang pagkakataong ito ay ako rin naman ang mawawalan. Tinawagan ko na si Danny na magmadali siyang sunduin ako dito sa hotel.
Mabilis na akong nagshower saka nagpalit ng damit.
Naging lalong mabigat ang mga paghakbang ko hanggang sa narating ko ang pintuan. Pagkalabas ko'y sinulyapan ko pa si Dianne saka mahinang isinira ang pinto.
Masakit sa loob na tinatahak ko ang labasan hanggang sa narating ko ang elevator.
Pagpress ko ng button ay bumukas naman iyon agad.
"Paalam Dianne! Sana ay mapatawad mo ako sa gagawin ko. Mahal na mahal kita pero hindi sapat pagmamahal lang." ang naluluhang sambit ko kasabay ang pagsara ng pintuan.
.
Pagkalabas ko ng hotel ay nakita kong naghihintay na si Danny sa may entrance kaya mabilis na akong sumakay ng sasakyan.
"Nandiyan pa ba ang mga bagahe ko Dan?" tanong ko sa kanya habang bumabiyahe na kami. Ini-open ko ang compartment sa dashboard at inilabas doon ang passport ko, tickets at mga dokumento.
"Tuloy na po talaga ang alis ninyo sir?" natitigilang tanong pa niya ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
Nasa labas lang nang bintana ang atensiyon ko habang hinihintay ang pagdating namin ng airport.
Muli ko na namang naalala ang maamong mukha ni Dianne at ang mga pinagsaluhan namin. Sh*t, isasantabi ko na lang ba ang lahat ng iyon?
Naiinis ako dahil siya ang tanging kahinaan ko. Bakit ko pa kasi siya minahal? Bakit ko hinayaang magpalamon sa kahinaan ko at ng mga kapusukan ko. Ghad, sana mapatawad mo ako Dianne!
Pinatatag ko na ang sarili.
Pangarap ko na noon pa man na bago ako mag-tatlumpung tatlong taon gulang ay dapat na magkakaroon na ako ng sariling kompanya. Pinangarap ko ring mahawakan ang Sunriser ngunit mas mas malaking opurtunidad na naghihintay sa akin sa States. Tatlong taon na lang ang igugugol ko roon at pagbalik ko'y maisakatuparan ko na ang mga pangarap ko.
Hindi narin ako laging nakasunod sa mga anino ni daddy.
Hanggang sa narating narin namin ang airport ay okupado parin ang utak ko.
Pagbaba ko ay hinintay ko na lamang si Danny habang ibinababa niya ang traveling bag ko, na nasa compartment.
"Paano si Ma'am Dianne sir?" malungkot pang tanong niya.
Hindi naman ako kumibo. Kinuha ko na lamang ang bag ko sa kanya.
"Mag-ingat kayo sa biyahe sir!" ngiti naring patuloy niya ngunit ramdam ko ang kanyang pag-aalala maging kay Dianne.
"Sige Dan, kailangan ko ng magcheck-in. Ikaw na muna ang bahala sa resort. Tatawagan na lang kita sa iba mo pang gagawin..." walang kangiti-ngiting sambit ko saka tinalikuran ko na siya.
"In case na magbago ang isip ninyo sir ay nandito lang ako sa parking area hanggang alas sais ng gabi." pahabol pa niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko at sa mga pangarap ko.
Gaya ng lagi kong sinasabi, ayaw kong maging mahina. Si Dianne ang kahinaan ko kaya kailangan kong magpakalayo sa kanya para maisakatuparan ang mga pangarap ko sa buhay.
Pagdating ko sa entrance ng NAIA ay sinalubong na ako ni Grecylle.
"Mabuti't nakarating ka Jim! Kanina pa kita hinihintay." malambing na sambit niya at pinulupot pa ang mga kamay sa akin saka hinalikan ako sa mga labi.
Bahagyang natigilan ako saka kumawala ako sa kanya.
"What's wrong?" takang tanong niya at hinawakan na niya ako sa beywang.
Napalingi naman ako. "Nothing!" sambit ko habang iginiya ako papasok.
Kailangan kong gawin ito para sa mga pangarap ko.
I'm so sorry Dianne, sana ay mapatawad mo ako! Mahal na mahal kita at hindi ka mapapalitan dito sa puso ko.
.
.
Dianne POV
Dahil sa kagagahan ko kagabi ay nagising akong masakit na masakit ang aking ulo. Parang mabibiyak na ulo ko sa sakit. Akala ko ay mababawasan ng pag-inom kahit katiting ngunit mas lalo pa ngang nadagdagan ang kirot na nararamdaman ko at lahat na yata parte ng katawan ko ay masakit narin.
Ghad, kapag minamalas! Minsan lang akong umibig ay bigo pa. Juicecolored, ano'ng sumpa itong nasa palad ko!
Napabangon na ako saka napahawak sa aking ulo. Nahihilo narin ako at nangangasim ang sikmura.
Nagi-guilty narin akong ginamit ko pa talaga sa kagagahan ko ang perang ibinigay ni June, na kung tuuusin ay allowance pa sana niya. Kaya ito ang napala ng kagagahan ko!
Napalaki ang mga mata ko nang mapansing iba narin ang damit na suot ko. Kinilabutan ako saka napatingin sa paligid. Nasa isa akong napakalaking grey accent room ako. Napalaki pa ang mga mata ko kung paano ako nakapunta dito?
Ghad, sino ang naghatid sa akin dito? HINDI!
Naalala kong nag-iinuman kami kagabi nina Jamaica, Jhunie at Junefer. Paano'ng napunta ako didto? Sino'ng??? Juicecolored!
Hinila ko na ang kumot at tinakpan ko ang aking sarili saka muling nahiga sa kama.
Hanggang kelan pa ako iiyak at masasaktan? Muli na naman akong napahikbi, walang tigil na naman ang mga luha ko sa pagpatak.
...wala na ba itong katapusan? Nakakapagod na! Pagud na pagod na po ako!
Natigilan ako nang may sunud-sunod na katok buhat sa may pintuan.
Tuluyan na akong nagpatalukbong ng kumot at pinakiramdaman ko na lamang ang naririnig kong pagpihit ng lever saka tuluyang nabuksan ang pinto.
Pinipigil ko na ang aking mga hikbi ngunit hindi parin nagpapaawat ang mga luha ko sa pagpatakan sa mga mata ko.
Naririnig ko ang bawat yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Naamoy ko na ang isang pamilyar na pabango. Hindi ako maaaring magkamali.
NANANAGINIP BA AKO?
-----------------------------------
Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...