Chapter 2 - the Fate

20.1K 470 118
                                    

''Tears are the summer showers to the soul.''
-Alfred Austin

.

Dianne POV

Nilalamig ako na kinilabutan habang nakasakay sa magarang sasakyan ng masungit na fiancé ni Ate Thesa.

Niyakap ko ang aking sarili saka napatingin sa labas ng bintana, naka-tinted glass iyon kaya hindi makikita sa labas ang mga nagsisipagpatakang mga luha sa mga mata ko.

Juicecolored, ano ba'ng gagawin ko? Sumasakit na naman ang aking ulo sa kakaisip sa mga nararapat kong gawin.

Ano ba kasing pumasok sa kukuti ng hinayupak na ito nang dahil sa ayaw siyang pakasalan ni ate ay ako naman itong pinipilit niyang magpakasal sa kanya?

Kaloka, mapapamura ka sa inis! Lechon! Eh, kung si ate na lang kasi ang pilitin niya!

Naalala ko na naman ang pag-uusap namin kagabi ni Ate Thesa sa Laugh-out-loud kung saan nag-gi-gig siya tuwing Martes. Nakabuntot pa talaga ang boyfriend niya hanggang sa mga gig niya.

Hindi parin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni ate na, "Oo Dianne, siya ang boyfriend ko kaya hindi ako magpapakasal kay Jimmy dahil si Mark lang ang pakakasalan ko."

My goodness, si ate kasi eh, PAASA! Ano ba ang nakita niya doon sa boyfriend niyang iyon pa talaga ang gusto niyang pakasalan? Nakakainis, anak ng tipaklon!

Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay magpapakasal na ako. Napapikit ako ng mga mata habang sinasamyo ang malamig na hangin na nagmumula sa a/c at ang kakaibang amoy sa loob ng sasakyan. Nakakainlove ang amoy niyon na para bang nanunuot sa aking kaloob-looban, puwera lang sa isang masungit na nilalang na nasa tabi ko ngayon.

Gosh, nang nagsabog 'ata ng kagaspangan ng pag-uugali ay sinalo niyang lahat iyon!

"Kumain ka na?" basag pa ni Jimmy sa nakakabinging katahimikan na naghari sa pagitan namin ngunit hindi ko na siya pinansin.

Ayaw kong kumain na kasama ang masungit na ito, nakakawalang-gana!

Napamulat ako ng mga mata ngunit nakatuon parin ang atensiyon ko sa labas ng bintana kahit wala namang natatanaw doon. Nakalutang lang ang isip ko.

Napasigaw naman ako nang bigla niyang hinampas ang manubila, na gumawa iyon ng malakas na ingay at maging ang ibang mga commuters ay nangsingbusina narin.

"Damn it!" ang naiinis na bulyaw pa niya at ipinarada ang sasakyan sa gitna ng daan.

"Akala mo pag-aari mo ang kalsada!" naiirita naring puna ko. "Kaya ka ayaw pakasalan ni Ate Thesa kasi an'sama-sama ng pag-uugali mo?" nauutal kong patuloy ko habang pinatatag ko narin ang aking sarili. "At saka ayaw ko ring magpatali sa'yo dahil marami pa akong pangarap sa buhay ko at hindi ka kasali doon." bahagyang tinapunan ko siya ng tingin.

Nanlilisik namang tiningnan niya ako, kaya mas lalo pa akong kinilabutan.

"Sino naman ang nagsabi sa'yong makikisali ako sa mga pangarap mo? Itatak mo diyan sa kukuti mo na hanggang sa papel lang ang kasalang ito!" nagtitimping sagot pa niya.

"Ang daddy mo ang siyang sisihin mo dahil inanunsiyo niya sa publiko ang magpapakasal namin ni Thesa at nakipagkasundo pa siya kay daddy." may pagkainis naring patuloy niya.

Parang may tumusok sa dibdib ko.  Bakit nagawang makipagkasundo ni daddy?  Wala na ba kaming karapatang lumigaya ni ate?

"Maghanap ka na lang ng ibang mapapakasalan mo, hindi lang ako! Tutulungan pa kitang maghanap." suhesiyon ko habang hindi ko na naman mapigil-pigil ang mga luhang pumatak ang aking mga mata.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon