''The most important thing in the world is family and love.''
- John Wooden
.
Mark POV
"Dianne!" malakas na sambit ni Jimmy nang makitang nasa kay Dianne ang atensiyon ng lahat.
Napatingin naman silang lahat sa kinaroroonan namin.
Nahihiyang hindi naman makatingin si Dianne at nakita kong hinatak na siya ni Thesa patayo saka palapit sa amin. Nagpupumiglas pa siya pero hindi parin siya makaalpas.
"Mag-usap nga muna kayo?" ngiti pang sabi ni Thesa at itinulak na si Dianne kay Jimmy. "Next time susuntukin ko na kayong pareho. Idadamay niyo pa ako sa hide and seek ninyo." natatawa pang banta niya.
"Ayusin niyo muna iyang problema ninyo, kabagu-bago pa lang ninyo ay nagtatampuhan na kaagad. Kami muna ni 'heart ang kakausap kay daddy." patuloy pa niya at napalapit na sa akin saka magkasabay na kaming pumunta ng dining table.
.
Pagdating naman namin doon ay biglang natahimik naman sina mommy, daddy at Jason.
Naupo na si Thesa katabi ng mommy niya at napatabi narin ako sa kanya.
"Dad paano nangyari?" mahina ngunit malinaw na tanong ni Thesa sa daddy niya.
"Wala na kaming magagawa pa Thesa. Kukunin na ni Mr. Sanchez itong bahay natin." ang mommy na ni Thesa ang sumagot.
"Paano nga nangyari iyon?" napalingi-lingi pa siya. Hindi parin makapaniwala. "Kaya ka nga dad nakipag-sosyo sa mga Monteverdi para mabayaran ang mga Sanchez, hindi ba?"
Napatakip na ng mukha ang daddy niya. Tila wala na nga siyang maisip na paraan sa mga problema. "Makakabawi na sana tayo kung hindi lang sinuspende ang mga permits ng apat na mining sites natin." may galit na sambit pa. "Paimpress kasi ang bagong Secretary ng Philippines' Department of Enviroment and Natural Resources."
Maya-maya'y napatingin sa siya sa akin. "Are you related to Genie Lopez?"
Napakunot-noo naman ako. "Hindi ho!" pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman dahil kung related ka doon ay hindi ka makakatuntong dito sa pamamahay ko." nanlilisik paring sabi niya.
Hindi talaga ako welcome sa daddy ni Thesa at paano pa kaya kung malalaman niya ang totoong relasyon ko sa kanya, ghad!
Si Genie Lopes ang pinsang buo ni daddy, na kasalukuyang sekretarya ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman. Hindi ko rin naman masisi si tita sa kanyang mga adbokasya. Para sa akin tama lang na pangalagaan ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. Hindi din naman ako pabor sa mining dahil bukod sa nakakasira na sa kalikasan ay ang mga mayayamang negosyante lang ang nakikinabang.
Gayunpaman ay hindi ko rin maiwasang hindi makaramdan ng awa para sa kanya. Ilang bilyon din kasi ang nalugi niya sa negosyo.
.
.
Ilang araw ang lumipas at bumalik narin si Grecylle.
"Hindi ako makapapayag kuya na magpalabas ng pera!" galit na galit na sumbat niya. "...pareho lang kayo ni Jimmy na nagpapakabaliw sa magkapatid na Suarez."
Napangiti lang ako. "Mas nababaliw ka kay Jimmy. Itigil mo na nga iyang kahibangan mo, kasal na iyong tao."
"Napaka-insensitive mo kuya!" angal pa niya.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
Storie d'amoreBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
