Extra Chapter: the Challenges

1.4K 38 1
                                    

"Sometimes it's the smallest decisions that can change your life forever."
-Keri Russel

.

Jason POV

Napapangiti na lamang ako habang nakatingin kina Jimmy at Dianne, na naghaharutan.

Inaakala ko na magiging miserably ang buhay ni Dianne dahil sa arrange marriage ngunit nagkamali ako.

Nakikita ko sa bawat galaw at titigan nilang dalawa ni Jimmy na talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Muli ko nang pinaikot ang aking paningin sa loob ng condo unit ni Jimmy. Di hamak na mas komportably ako dito kaysa sa apartment na ni-rentahan ko. Lulunukin ko na lang muna ang natitirang pride ko.

Kailangan ko talagang kapalan ang pagmumukha, lalo na ngayong nagigipit ako at walang-wala. Mas mahirap pa yata ako sa daga. Mas mabuti pa nga ang mga ibon dahil hindi na nila kailangan pang magbalat ng buto.

Napadungaw na ako sa labas ng bintana kahit wala naman natatanaw.

Sobrang sakit parin ng kalooban ko. Namatayan ako ng anak, hiniwalayan ng asawa at walang trabaho.

Hindi ko rin naman masisisi si Chin. Tama siya. Tatlong taon ang sinayang namin.

Hindi parin maalis sa isip ko ang mga panunumbat at pang-aalispusta ng matandang Mondragon sa akin, na halos nagpapadurog sa puso ko.

Wala na akong ginawang tama sa paningin niya at dinagdagan pa ng pagkakabaon sa utang ni daddy.

.

(Lumipas ang apat na buwan)

.

Napapangiti ako habang nakatingin kay Dianne na ginugupit ang pulang laso na nasa aming harapan.

Oh my, this is it! Pinaikot ko na ang aking paningin. Ang bilis talaga ng mga pangyayari! Halos kahapon lamang ay parang masisiraan ako sa kakaisip kung paano makakapatayo ng sariling laboratory ngunit hetung-heto na nga ang opisyal na pagbubukas ng JD Building kung saan sa mayroong isang laboratory at tatlong consultation room, na kasalukuyang kupado narin nina Dr. Jeremy Jhayde, Dr. Rolen dela Cruz at Dra. Divina Sanchez.

Ngiting napatingin na ako kina Dianne at Jimmy na todo suporta mula sa moral hanggang financial support ay nakaalalay sila sa akin.

Napansin kong hindi narin makapaghintay sina Dr. Jeremy sa bagong nilang clinika at masaya naring nagkukuwentuhan.

Nandito din sina Thesa, Mark, ilang malalapit na mga doktor at mga kaibigan.

Unang pumasok si Fr. Clemente, na siyang magbabasbas sa buong gusali habang nakasunod sa kanya ang mga tao.

"Congratulations Dianne and Jimmy!" ang masayang bati ng mga bisita pagkatapos.

Pinatay na ang mga kandila at pumasok narin ang lahat upang pagsaluhan ang mga inihandang mga pagkain.

Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa halos kompletong mga apparatu sa loob ng aking laboratory.

Isang maganda simula nang bagong kabanata ng aking buhay, ang nagagalak na isinisigaw ng isipan ko ngunit natigilan ako. Bigla ko na namang naaalala si...

"Si Chin!" narinig kong sambit ni Thesa mula sa aking likuran.

Napalaki pa ang mga mata ko, tila nagkabuhay ang sistema ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig mula kay Thesa.

Si CHIN? Totoo ba'ng nandito si Chin??

Naghuramentado ang buong internal organs ko, parang may tambol na tumunog sa aking dibdib. Pinagpawisan ako ng hindi ko maintindihan. Kailan pa naging balisa ang katawang-lupa ko pagdating sa kanya?

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon