''Keep love in your heart. A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead.''
-Oscar Wilde
.
Dianne POV
Hanggang sa ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang ginawa kahapon ni Jimmy. Mas lalo akong natakot sa kanya.
Nagiging kulay ube narin itong aking siko pero mabuti na lamang at 3/4 sleeves ngayon ang uniporme naming kaya matatago ko ang pangingitim nito.
Daig ko pa 'ata ang isang battered wife dahil sa pasa ko.
Naglagay ay narin ako ng kaunting make-up para matago ang pangigitim ng aking mga eye bag.
Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin habang ipinatong ko ang dalawang kamay sa ibabaw ng drawer. Hindi na mukhang nagluluksa ang awra ko.
Ini-open ko na ang drawer saka kinuha ko ang lighter doon. Humakbang na ako papuntang side table kung saan naroon ang mga scented candle.
Ganito lang talaga ako kapag may pinuproblema, nagsisindi ako ng kandila.
Pagkatapos kong sindihan ang isang kandila ay napaupo na ako sa upuan habang tinitingnan iyon.
Hindi ko parin lubos maisip na malapit na akong ikakasal. Ano ba ang dapat kung gawin? Sunud-sunod na akong nagpalabas ng hangin sa dibdib.
Juicecolored, pinaparusahan niyo na ba ako? Sobrang parusa naman po ito. Isang life sentence po. Hindi ko na alam kung kakayanin ko ba? Bigyan niyo sana ako ng sign kung ano ba talaga ang nararapat kong gawin?
.
Pagbaba ko ay nakita ko sina mommy at daddy na nasa living room.
Bahagyang napangiti lang ako. Gusto kong itago ang lahat na nararamdaman ko kahit halos araw-araw ay nadudurog ang aking puso.
Apat na linggo na lang at ikakasal na nga ako.
Ngiti namang sinalubong ako nina mommy at daddy.
"Magmerienda ka hija!" ngiting yaya pa ni mommy.
Ngiti paring napaupo na ako sa sofa at tahimik naring iniabot ang sandwich saka kumain.
"Princess," mahinang tawag ni daddy.
"Yes dad," malambing kung binalingan si dad nang tingin. "Ano po iyon dad?" ngiti ko pang tanong.
"May ipapahatid sana ako sa'yo kay Jimmy sa office." sambit pa niya.
Napakunot-noo ako. May liaison officer naman ang Sunriser bakit kailangang ako pa ang maghahatid?
"Masyado kasing confidential kaya dapat sa kanya mo mismo ibibigay."
Ako pa talaga ang maghahatid! Hindi na ako umimik pa at tinapos ko na ang pagkain.
.
Pagkalabas ko'y naghihintay na sa akin si Mang Danny. Dala-dala ko na ang bag ko at ang attaché case na pinapahatid ni daddy.
Pinagbuksan na ako ni Mang Danny. Napangiti naman ako sa kanya. Mabuti pa ang driver napakagentleman. Ang bossing ay masungit na't bastos pa ang pag-uugali!
Tiningnan ko pa ang oras sa aking phone. Mag-alas-diyes pa lang ng umaga kaya idadaan ko na muna sa Sunriser ang pinapahatid ni daddy.
"Mang Danny sa Sunriser po muna tayo. May pinapahatid lang sa akin si daddy." baling ko kay Mang Danny.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomantikBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...