'''You cannot have a positive life and a negative mind.''
- Joyce Meyer
.
Dianne POV
Takot na takot ako kay Jimmy habang papalabas kami ng unit ni ate.
"Bitiwan mo ako, nasasaktan ako!" naluluhang sabi ko ngunit hindi niya alintana ang nararamdaman kong sakit sa pagkakahawak niya.
Isang matalim lang na titig ang ibinigay niya sa akin, na para bang sinusunog ako sa pagkakatitig niyang iyon. Mas lalong nadagdagan ang nararamdam kong takot sa kanya.
Hindi niya parin binibitiwan ang siko ko hanggang sa narating namin ang elevator.
Pagbukas ng pintuan ng elevator ay malakas na itinulak niya ako sa loob. Muntik naman akong mawalan ng balanse ngunit napahawak ako sa steel railings.
Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko ang sarili kong makagawa ng ingay. Mas lalong lumakas ang pagpatak ng aking mga luha.
Walang tigil sa pag-agos ng mga luha ko hanggang sa narating namin ang labasan ng condo.
Paglabas namin ay nagpasya na akong huwag sumama pa sa kanya kaya mabilis na akong tumakbo sa nakaabang na taxi. Tangka na akong pumasok sa loob ng taxi nang naabutan niya ako.
"Don't test my patience Dianne!" nagbabagang banta pa niya habang hila-hila na naman ako sa siko.
Hindi na niya ako binibitiwan hanggang sa narating namin ang sasakyan niya sa parking area.
Pagpress niya ng button ay binuksan na niya ang pintuan sa shotgun's seat at naiinis na ipinapasok niya ako sa loob.
Nang makaupo na ako ay malakas na niyang isinara ang pintuan bago niya tinungo ang driver's seat.
Isinandal ko na ang aking ulo sa pintuan ng sasakyan. Hindi ko na napigilan pa ang pamimigat ng aking mga pilik-mata kaya napapikit na ako.
Ayaw ko ng magising sa bangungot na ito! Paulit-ulit na isinisigaw ng utak ko. Masakit na masakit na sa dibdib!
Pagkadilat ko ng aking mga mata ay napatingin na ako sa labasan. Malapit na pala kami sa bahay.
Tinapunan ko ng tingin si Jimmy. Wala na naman akong mabasang ekspresyon sa mukha niya. Nakatuon lang ang atensiyon niya sa daan.
Naramdaman ko na naman ang muling pagpatak ng aking nga luha. Ibinaling ko na ang atensiyon sa labas ng bintana. Bakit ako pa? Mga katanungan sa isipan ko na hindi ko rin alam ang kasagutan.
Maya-maya'y nakarating na kami sa bahay. Ipinarada niya ang sasakyan. Bumaba narin ako saka isinara ang pintuan.
Pagkaraa'y pinaharurot na niya ang sasakyan papalabas ng gate.
Pumasok narin ako sa loob habang yakap-yakap parin ang sarili. Parang nakalutang ang mga paa ko sa hangin at anumang oras ay tila mabubuwal na ako.
Tahimik lang ako habang tinutungo ko na ang aking silid, gusto ko ng magkulong sa loob. Narinig ko ang tawag ni mommy ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
Naramdaman kong hinaplos ni mommy ang aking balikat. "Dianne!" nag-aalalang sabi niya.
Tiningnan ko ang palad niya na nasa kaliwang balikat ko. "Pagod na ako mom, gusto ko munang magpahinga. May klase pa ako mamayang alas-singko." nasa monotone kong sabi saka iniwan ko narin siya.
Pagkarating ko sa aking silid ay isinubsob ko na ang sarili sa kama. Tuluyan ko ng pinakawalan ang aking mga hikbi.
.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
