Chapter 15 - Reaching out

12.6K 290 75
                                        

''I have sadness in me. I have anger in me. I have heartbreak in me.''
- Ellen DeGeneres

.

Thesa POV

"Sweetheart ang tahimik mo 'ata ngayon?" puna sa akin ni Mark. Kasalukuyang nasa hapag kami at nag-uusap sina mommy at daddy sa mga magulang niya.

Ibinaba ko na ang hawak na kutsara. "Nag-aalala lang ako kay Dianne 'heart." malungkot na sabi ko.

Hinawakan pa niya ang palad ko, "Everything will be alright! Kilala natin si Jimmy handa naman iyong pakasalan ang kapatid mo!"

"...pero!" napalingi-lingi naman ako.

Kinuyom pa niya ang palad ko saka ngumiti. "Huwag ka ng mag-alala, nag-usap na kami ni Jimmy kanina!"

"Bati na kayo?" kunot-noong tanong ko ngunit napangiti naman siya.

"Hindi naman kami magkaaway." ngiti pa niyang sambit saka ipinagpatuloy pa niya ang pagkain.

Bahagyang napangiti naman ako kay Mark. Sana nga. Umaasa akong magiging maayos sina Dianne at Jimmy.

.

Hindi naman ako makapaniwalang naging magtagumpay ang pamamanhikan. Infairness, hindi nagsusungit si daddy sa pakikipag-usap saka napapayag narin itong magpapakasal narin kami pagkatapos ng kasalan nina Jimmy at Dianne. Pasayaw-sayaw pa ako habang papasok at pangiti-ngiti pa.

Nagpasya akong kukuha muna ng maiinom bago magpee nang nakita ko si Jimmy na nasa kusina.

Nakaramdam ako nang pagkailang ngunit napalapit naman ako roon, "Jim?" nahihiyang tanong ko.

Napatango naman siya, "Ikaw pala Thesa, kukuha lang ako ng maiinom."

Kumuha ako ng mangkok, "May sopas pa dito Jim, masarap ito habang mainit pa." ngiti paring sabi ko saka nagsimula na akong maghain.

"I've heard a lot from you!" kunot-noong sabi ko habang inilalapag narin ang sopas sa tray niyang nasa table.

"Lahat masama diba?" blangkong ekspresyong sagot niya.

Hindi ko na napigilang napatango, "Ano bang nangyayari Jim? Hindi naman ganyan ang pagkakilala ko sa'yo."

"Nagbabago ang lahat Thesa!" madiing sagot niya. "Ikaw nga, ang laki na ng pinagbago mo."

Kunot-noong napatingin na ako sa kanyang mga mata ngunit gaya ng dati ay wala na naman akong makitang ekspresyon doon. "Alam mo namang sa simula palang ay kaibigan lang ang turing ko sa'yo..."

"Alam ko... hindi naman ako naghahabol sa'yo!" monotone paring sagot niya.

Hindi mo talaga maintindihan ang ugali niya.

"Pero si Dianne! Mahal na mahal ko ang kapatid ko Jim. Sana naman ay huwag mo naman siyang pahirapan." nalulungkot na sabi ko.

"I think this is not the right time na pag-usapan ang sa amin ni Dianne Thesa." malamig parin niyang sabi at tuluyan na niyang kinuha ang tray.

"Salamat sa sopas. Sige!" patuloy pa niya at tangkang talikuran na ako ngunit napahawak na ako sa kanyang siko.

"Jim, sana ay mahalin mo na lang si Dianne! Ayaw kong makita siyang nahihirapan..." mahinang sabi ko. "Nakikiusap ako! Huwag mo namang sanang ibunton sa kanya ang galit mo sa akin. Kung galit ka sa akin, ako na lang!"

Hindi naman siya umimik. Isang bugtung-hininga ang pinakawalan niya. "...hindi ako nagagalit sa kanya o maging sa'yo Thesa. Mas nagagalit ako sa sarili ko."

"Jim." naguguluhang sambit ko.

Isang ngiti naman ang pinakawalan niya.

"Congratulation sa inyo ni Mark!" pang-iiba pa niya ng usapan.

"Salamat Jim pero mas mauuna pa naman ang kasal ninyo ni Dianne." bahagyang napangiti narin ako.

Ngunit napalingi-lingi naman siya. "Hindi ko na alam Thesa! Sige!" sambit niya saka tuluyan na niya akong iniwan.

Natigilan naman ako. Hindi na ba siya magpapakasal? Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang papanhik sa room ni Dianne.

.

.

Dianne POV

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Hindi ka naman kumain Love?" may pag-aalalang boses ni Jimmy habang papalapit.

Napabugtung-hininga ako, "Mamaya na lang! Ayaw pumasok sa lalamunan ko ang pagkain. Parang may nakabara sa lalamunan ko na hindi ko maintindihan." sagot ko at napamulat na ako ng mga mata.

Nakita kong inilapag na niya ang tray sa side table saka naupo siya sa tabi ko. "Pilitin mong kumain kahit pakunti-kunti lang."

Hindi na ako sumagot pa.

Nagsalin na siya ng tubig sa baso at ibinigay sa akin. Ghad, kanina ko pa hinihintay ang tubig! "Salamat!" mabilis ko kinuha ang baso sa kamay niya saka uminom.

"Careful!" narinig ko paalala niya ngunit uhaw na uhaw talaga ako. Mabilis na inubos ang laman ng baso saka ibinalik sa kanya.

"Dinalhan pala kita ng sopas." iniabot narin niya ang bowl sa tray at pinanghahalo iyon. Inihipan pa niya ang sopas na nasa kutsara bago isinusubo sa akin. "Kumain ka na Love."

Natigilan ako habang nakatingin sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo Jim?" ang naguguluhang tanong ko. Hindi ko talaga matantiya ang pabagu-bago ng pag-uugali niya.

"Pinapakain ka!" direktang sagot niya at sunud-sunod akong sinusubuan.

"Ang ibig kong sabihin, bakit mo ginagawa ito?" ulit na tanong ko.

"Sabi ng doktor kanina kailangang kumain ka ng mga masusustansiyang mga pagkain para makabawi ka, bawal kang ma-stress at magpakapagod. Kailangan mo ring matulog sa tamang oras at may mga inirisita siyang mga vitamins. Ipapabili ko na lang bukas." ang sunud-sunod na sambit niya habang titig na titg sa mga mata ko.

Napakunot-noo naman ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa kalagayan ko ngunit napalingi na ako.

Sa'yo lang naman ako na-i-stress Jimmy Monteverdi, ghad, kanino pa ba? Gusto kong tuluyan ka ng mawala sa sistema ko."Sino ba'ng doktor ang nagsabi niyan? At bakit kailangan pa niya akong idextrose? Ghad, hindi ako buntis..." bagkus ay salitang lumabas sa labi ko.  Ngunit bigla akong natigilan.  Napakagat-labi na ako. Sa lahat ng salita ay buntis pa talaga ang nasabi ko,  kaloka! Gusto kong upakan ang sarili. Disgusting!

Napangiti naman siya sa mga sinabi ko. "Para ka na namang bata Love!"

Oh my, parang timang lang! "Bakit ba love ka na love sa akin? My goodness, Jimmy! Tantanan mo nga ako." kahit nanghihina'y pinatatag ko ang boses.

Isang nakakalokong ngiti naman ang ibinigay niya sa akin. "Kumain ka na nga lang at matulog ulit dahil marami pa tayong aasikasuhin bukas. Kailangan mong gumaling."

Napako na lang ang tingin ko sa kanya. Nakakapanibago na naman ng ugali niya. Nahihilo pa 'ata ako!

"Gising Dianne!" ang mahinang sabi ko habang bahagyang kinuyom ko ang magkabilaang pisngi.

"Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya.

"Ginigising ko lang ang sarili ko, para kasing binabangungot parin ako!" balisang tugon ko.

Inirapan naman niya ako saka mariing tinitigan.

Ghad, hindi nga ako binabangungot!

THE DEVIL IS BACK!

-------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

       -NyllelaineNyeNight

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon