''Love is when the other person's happiness is more important than your own.''
- H. Jackson Brown, Jr.
Dianne POV
"Beshy," narinig kong malakas na tawag sa akin ni Hillary at bahagyang hinampas pa niya ang balikat ko.
Kunot-noong napatingin naman ako sa kanya, "Ghad, ano ba beshy? Magkatabi lang tayo. Bakit ka ba sumisigaw? Masisira ang eardrums ko sa'yo." angal ko.
"Kanina ka pa kasi tinatawag ni Ma'am Sally, hindi ka kumikibo diyan. Tapos nasa malayo lang ang tingin mo." sagot niya.
Dali-dali na akong napatingin kay Ma'am Sally, na abala nang sumusulat sa white board. "Ma'am?" tanong ko at napaharap naman ito sa akin.
"Yes Dianne, may itatanong ka pa ba sa lesson?" ngiting tanong sa akin at hinihintay ay sasabihin ko.
Natigilan ako at napaharap kay Hillary. Nauto niya ako, ghad! Nakangisi pa talaga siyang nakatingin sa akin.
"Wala na po Ma'am! I'm sorry!" napahiyang baling ko ulit kay Ma'am Sally at bahagyang kiniliti ko na si Hillary. "Kaloka ka besh, naisahan mo ako roon ha!"
Hindi maputul-putol ang ngisi niya at pigil-pigil ang tawa. "Hindi ko kasi masisid ang iniisip mo besh! Out of this world ka kasi kanina. May problema ka ba? I mean may problema ba kayo ng fiancé mo?"
Napalingi-lingi naman ako, "Wala naman, may inaalala lang ako." matamlay na sabi ko saka binuklat ko na ang notebook ko at kumupya sa sinusulat ni Ma'am Sally sa whiteboard.
Naalala ko si Ate Thesa, kinausap na raw kasi niya si Mark regarding sa Sunriser at kasalukuyang nagpaplano na sila para sa negosasyon. Diba nga dapat ay magiging masaya na ako dahil bibilhin na ng mga Lopez ang share ng mga Monteverdi sa kompanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Tatlong araw narin 'atang hindi nagpapakita sa akin si Jimmy! Ano na kaya ang nangyayari doon? Nagpasya na akong tingnan ang phone ko ngunit wala namang nagti-text. Ghad, hindi ako naalala!
"Busangot na naman iyang mukha mo beshy." narinig ko na namang puna sa akin ni Hillary.
Isang bugtung-hininga lang ang pinakawalan ko saka malungkot na napatingin sa kanya. "Napagod lang ako beshy! Sumasakit 'ata ang ulo ko." matamlay pang sagot ko.
"Kanina ka pa patingin-tingin sa phone mo!" nag-aalalang inakbayan na niya ako.
"Tinitingnan ko lang ang oras beshy para kasing bumagal eh! Kung kelan na pinakahuling subject natin saka naman bumabagal." pilit na akong ngumiti sa kanya.
"Saan pala kayo mag-celebrate ng pasko ng fiancé mo? Ghad, excited ako!" pangungulit pa niya.
"Patawa ka beshy, hindi ko pa nga alam. Hindi pa kami nag-uusap ni Jimmy. Pero malamang ay sa bahay lang ako..."
Abot-tengang napangiti pa siya, "Before year ends ay magiging Mrs. Dianne Monteverdi ka na beshy! Gosh, I'm so happy for you!"
Maya-maya'y tumunog narin ang bell. Yes, uwian na!
"Namimiss kita beshy!" sambit ko kay Hillary at napayakap na sa kanya.
"Mamimiss din kita beshy! Ghad, first time tayong hindi magkita sa pasko. Magbabakasyon kasi kami sa probinsiya. Pero pangako babalik ako sa kasal mo!" sinuklian naman niya ako nang mahigpit na mga yakap.
"Dapat lang dahil hindi ka puweding mawala beshy!" paalala ko sa kanya. Hindi matapus-tapos ang yakapan namin ni Hillary!
Pagdating ko nang parking area ay hindi ko na nakita pa si Mang Danny kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papalabas ng campus.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomansaBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...