Chapter 29 - his Confession

1.6K 35 2
                                    

''There is only one happiness in this life, to love and be loved.''

- George Sand

.

Dianne POV

Hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayon sa Monteverdi Mansion at nasa loob ng silid, sa magiging silid namin ni Jimmy.

Namilog ang mga mata ko. Ghad, kung ganoon ay hindi pala siya tumuloy. Gusto kong matuwa ngunit may puwersang pumipigil sa akin. Manatili ba talaga siya sa akin? Pero hanggang kelan?

Tama nga si Grecylle, magbabayad lang siya dito ng mga pagkakautang ni daddy at baka dumating ang isang araw na isusumbat niya ang lahat ng iyon sa akin?

Naramdaman kong napaupo na siya sa gilid ng kama.

"Dianne," mahinang tawag niya sa pangalan ko, hindi naman ako nakapagsalita at pinapakiramdaman lamang siya. "Naririnig mo ba ako? Patawarin mo ako dahil iniwan kita sa araw mismo ng kasal natin."

Gusto ko na namang umiyak, bumalik bigla ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Alam kong nagpakasilaw ako sa karangyaan dahil inakala ko iyon ang magiging tamang desisyon pero hindi! Isang kahibangan ang ginawa ko." malungkot na patuloy niya kasunod ng isang nakakabinging katahimikan.

Maya-maya'y narinig ko na ang kanyang mga hikbi. "Pero hindi ko pala kaya." puno ng pagsisising sabi pa niya.

Hindi naman ako umiimik, pigil ko parin ang aking paghinga ngunit walang tigil parin sa pagpatak ang mga luha sa aking mga mata.

"Hindi ko kayang talikuran na lang ang mga pananagutan ko sa'yo!" patuloy pa niya.

Napakagat-labi ako, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko dahil para na akong sasabog. Hindi ko na kaya pang-i-absorb ang lahat na mga sinasabi at mga rebelasyon niya. Hindi ko alam kong karapat-dapat ko pa bang paniwalaan?

Ilang ulit na niya akong sinaktan at alam kong paulit-ulit na niyang magagawa iyon sa akin. Mas lalong sumakit ang aking dibdib. Masakit na masakit!

Ngunit pinatatag ko na ang sarili, kailangang pakawalan ko ang bawat sakit na bumabalot sa aking puso. Ibinaba ko na ang kumot na nakatakip sa aking ulo.

"Sana ay hindi na lang ako nagpakasal pa sa'yo." naluluha paring pagsisising sambit ko at nagpasya na akong bumangon saka bumaba ng kama.

"Pinagsisihan mo ang kasal natin?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong niya.

Ramdam kong nasaktan siya dahil sa katagang lumabas sa mga labi ko.

Nanginginig ang mga palad na tinanggal ko ang sinsing na nasa daliri ko saka tiningnan siya. "Oo. Sana ay hindi na tayo ikinasal. Pakawalan na natin ang isa't isa." paanas na sagot ko at ibinalik ko na sa kanya ang sinsing.

"Napapagod na ako Jim! Hindi ko na alam... huwag na muna ngayon! Gusto ko ng sumabog sa sakit!" ang puno ng kalungkutang patuloy ko.

Hindi niya tinanggap ang sinsing bagkus ay napabugtung-hininga lamang. Napatayo narin siya at nilapitan na ako.

Napatingin ako sa kanyang mga mata, wala na naman akong mabasang ekspresyon buhat roon kaya napaatras na ako. Nakaramdam na naman ako ng hindi maipaliwanag na takot.

"Ano'ng gagawin mo?" nauutal na tanong ko.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya kaya mas lalo akong kinilabutan.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon