"One who is thankful for a slice of bread is more blessed than one who is ungrateful for a loaf."
-Matshona Dhliwayo
.
Jason POV
Pagkaalis ko nang sementeryo ay tumuloy na ako ng laboratory.
Hanggang ngayon ay paulit-ulit paring naglalaro sa utak ko ang mga tagpo kanina.
Parang pinipilipit ang dibdib ko habang pinipigilan ko ang sariling yakapin ang aking asawa.
Gusto kong batukan ngayon ang sarili.
Tatlong taon din ang sinayang ko. Kung maibabalik ko lang sana ang mga lumipas.
Kung naiparamdam ko lang sana sa kanya nang maaga ang pagmamahal ko ngunit huli na.
Gusto kong balikan si Chin ngunit nakasalubong ko na naman ang matandang Mondragon na matatalim ang mga titig na ibinigay niya sa akin.
Nakaramdam na naman ako ng panliliit sa aking sarili. Sariwa parin sa isip ko ang mga panlalait niya sa pagkatao ko.
Tama siya, ano'ng buhay ang maibibigay ko kay Chin?
Nagdurugo ang puso ko sa kabiguan. Napahawak na ako malapit sa aking puso. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit!
Kung may pera lang sana ako! Kung naging mayaman lang sana ako!
Pinaikot ko na ang tingin sa loob ng laboratory. Tahimik parin ang tatlong medtech sa kanya-kanyang trabaho.
Kung ang buhay ay katulad lamang sa mga serum at dugong tini-test na madali lang lalabas ang resulta at kasagutan ay hindi sana naging ganito ka komplikado ang buhay ko!
Kung maibabalik ko lang sana ang nakalipas, ang mga oras at mga sandali.
Pero hindi na iyon mangyayari pa, sa ngayon ay gusto ko na lamang gugulin ang lahat ng oras ko dito sa laboratory.
Nag-iisip narin ako ng iba pang mapagkikitaan.
Ngunit kahit habambuhay 'ata akong magtatrabaho ay wala parin akong maipagmamayabang sa matandang Mondragon. Isa parin akong basahan sa paningin niya.
Natauhan ako nang marinig na tumunog ang bell ng dalawang beses, "Sir Jason!" tawag pa ni Leandro, ang receptionist ng laboratory, mula sa labasan.
Napatingin na ako roon, nakita ko si Dianne. Buong ngiting kumakaway siya sa akin.
Napatayo na ako sa kinauupuan. "Kayo na muna ang bahala dito." ang bilin ko sa tatlo.
"Yes sir!" magkasabay pa nilang sagot saka ipinagpatuloy narin ang ginagawa.
Napasilip ako sa wall clock. Mag alas otso y medya pa lamang nang umaga. Ang aga naman ng kapatid ko!
Tahimik na akong lumabas. Nakita kong marami-rami naring mga nakapila roon sa harapan ni Leandro at meron ring nakapila na kinukuhaan ng mga blood sampling.
IRONY, bahagyang napangiti na ako! Hindi parin sapat ang dami nila sa perang kakailanganin ko para makuha ulit ang aking asawa.
Tahimik ko nang iginiya si Dianne papalayo sa mga tao.
"Napakalalim ng iniisip mo kuya, hindi ko kayang sisirin." basag pa niya sa pananahimik ko habang nauna na siyang naupo sa couch.
Mapaklang napangiti naman ako sa kanya at napaupo narin sa kanyang tabi, "Ang aga mo Bunso. Himala naman 'atang hindi mo kasama si Jimmy." pang-iiba ko ng usapan.
Inakbayan pa niya ako saka pabulong na, "Magpapa-test ako kuya. Para kasing.. pero sekreto lang muna." sambit pa niya, na halatang nasasabik.
"May importanteng meeting sina Jimmy at daddy niya kaya dito muna ako." patuloy pa niya.
Napapangiting napatingin lang ako sa kanya. Ayaw ko sanang maniwala sa forever pero sa nakikita ko ay masaya ako para sa kanila ni Jimmy.
Ako na lang ang walang forever.
Ghad, bakit mailap sa akin ang maging masaya? Ano ba'ng kaparusahan ang nasa palad ko?
"Excited maging mommy?" bagkus na sambit ko habang nilalabanan ang kalungkutang umuusbong na naman sa dibdib ko.
"Hindi naman, actually kinakabahan ako kuya!" masayang sagot pa niya habang hinahaplos ang kanyang tummy.
Natigilan na naman ako nang maalala si Chin at ang magiging anak sana namin.
Hindi parin maalis sa gunita ko ang mga hinagpis niya kanina. Nadudurog ang puso ko. Wala man lamang akong nagawa.
"Bakit ba lahat ng kamalasan ay sinalo ko lahat?" ang isinisigaw ng damdamin ko. Hindi ko na alam kung kelan ba ako huling naging masaya para sa aking sarili.
Bakit pawang kabiguan ang nangyayari sa buhay ko?
"Kuya, I'm sorry!" nag-aalalang sambit pa ni Dianne.
"Hey, ano bang pinagsasabi mo Bunso?" sabi ko saka hinaplos ang tungki ng kanyang ilong.
"Kung mahal mo ay ipaglaban mo!" kumento pa niya ngunit napalingi naman ako.
"Kung ganoon lang sana kadali ang lahat. Kung ang ipaglaban lang ang batayan ay matagal na akong nanalo pero hindi! Alam mong hindi ko susukuan si Chin pero hinihingi na ng pagkakataon. Wala na akong magawa..." walang emosyong turan ko saka napatingin sa kanya, na mapupungay na nakatingin sa akin.
"Ano'ng iniisip mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Parehas lang kayo ni Ate Chin, bakit niyo ba pinapahirapan ang mga sarili ninyo? Bakit kailangan ninyong tiisin ang isa't isa?"
Napabugtung-hininga naman ako. Hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi niya, "Matagal ko ng linunok ang lahat ng pride ko." ang nanliliit na sambit ko.
"Wala akong kahit na katiting na kayamanan. Tama si Mr. Mondragon, ano ang ipapakain ko kay Chin. Kahit nga masisilungan ay wala ako." nalulungkot na patuloy ko.
Bahagyang sinuntok pa niya ang balikat ko. "Tama na nga iyang kadramahan mo kuya. Hindi makakatulong sa'yo ang panliliit mo sa sarili at ang pagmumukmok dito sa laboratory mo. Oras na para naman sa sarili mo. Love yourself naman, napapabayaan mo na ang sarili mo."
"Sinusubukan kong maging masaya ngunit hindi ko alam kung papaano..." hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang tumunog ang cellphone ko.
Inilabas ko na iyon sa breast pocket ngunit napalaki naman ang mga mata ko sa nakita,
Pre-trial Conference for Annulment at 9:30 o'clock in the Morning!
Gusto kong umiyak habang paulit-ulit na binabasa ang mga katagang nakasulat at naka-flash sa screen ng cellphone ko.
"Kuya," narinig kong nag-aalalang sambit pa ni Dianne saka kinuha pa niya iyon sa palad ko.
"I'm okay Bunso!" ngiti pang sagot ko ngunit para na akong mabubuwal sa kaloob-looban.
---------------------------------
A/N:
I'll tried my best pero hindi parin po umabot sa katapusan mga beshy!
Please don't forget to press the star 🌟 and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖
Hanggang sa muli!
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
