"Every human walks around with a certain kind of sadness. They may not wear it on their sleeves, but it's there if you look deep."
-Taraji P. Henson
.
Dianne POV
Para akong nalulusaw na kandila dahil sa mga matatalim na titig ni Jimmy sa akin! Lagot talaga! My goodness, sobrang nakakahiya! Pero mabuti na lang at wala ako sa mood kanina kaya hindi ako napapasabay sa mga cheer nitong si Hillary! Juicecolored, mapapahamak pa 'ata ako!
May 'I love ROSS' na placard pa talaga akong hawak-hawak.
Dahan-dahan na siyang humakbang papalapit sa kinaroroonan namin.
Pawang nagtitilian naman ang mga kababaehan na nadadaanan niya ngunit sa akin lang nakatuon ang mga titig niya.
"Ang pogi talaga ng fiancé mo beshy!" kinikilig pang bulalas ni Hillary habang niyuyugyog ang aking balikat.
My goodness, this good-looking devil! Na nagpapakilig pa talaga sa mga nandirito sa loob ng gym.
Hindi na ako umimik pa nang matampad na siya sa aking harapan.
"Hello," ang ngiti pang bati ni Hillary sa kanya. "Beshy pakilala mo naman ako sa fiancé mo?" bulong pa nito sa akin.
Napilitan naman ako ipakilala si Hillary kay Jimmy. Ghad, ang loka-loka kong kaibigan ay nagawa pang magpa-autograph!
Napaupo narin si Jimmy sa tabi ko samantalang si Hillary sa aking kabila.
Kaloka talaga itong si Hillary, feeling close agad, my goodness! Kung anu-ano pa ang ikinukuwento kay Jimmy.
Hindi alam kung matutuwa ba ako o maiirita sa mga hirit ni Hillary? Kahit ano pa'ng papuri sa akin ang sabihin niya sa masungit na ito ay walang kabuluhan!
In fairness, kakaiba 'ata ngayon ang masungit dahil wala 'ata siyang dalaw sa ngayon kaya maayos na nakikipag-usap!
"Ano ba beshy? Nakakahiya..." mahina kung saway kay Hillary.
"Totoo naman ang sinasabi ko beshy ah," angal pa niya at binalingan pa ako ng malokong ngisi, "...dahil nang maghasik ng kabutihan ang Diyos ay sinalo mo lahat!" ngiti pang sabi.
"Mabait ka na nga matalino pa! At higit sa lahat ay maganda!" nakangiti paring patuloy niya at muling binalingan si Jimmy, na nasa tabi ko. "Bagay na bagay nga kayo eh, kasi may nakikita akong similarities ang mga feature ng mukha ninyo. Gee!"
"Gosh beshy, nakakahiya ka talaga!" napasimangot na sabi ko ngunit hindi na ako pinansin ni Hillary dahil nagpalumbaba pa ito at parang timang na nag-i-imagine, "Kami ni Ross beshy, may similarity din ba?" tanong pa nito at bahagyang ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.
My goodness, parang timang na talaga si beshy! Simula noong freshman pa lamang kami ay naghuhumaling na siya kay Ross. Nagsimula sa isang simpleng paghanga hanggang sa naging ultimate crush, na mauuwi sa hindi ko na alam kasi hanggang ngayon ay masyado paring mataas ang kalibre nitong si Ross.
Mabuti na lang at maya-maya'y sinabi ni Hillary na siya ang nagyaya sa akin para manood ng game at may pakana nitong mga placard.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
Pero teka, may mali dito! Bakit ako magi-guilty? Eh, kung tutuusin ay mas malaswa pa nga 'yong pinaggagawang pakikipaghalikan sa opisina ng masungit na ito, ni hindi niya nirespeto ang kompanya ng daddy ko.
Napatikhim na ako at ipinagpatuloy ko na lamang ang panonood ng laro kahit pa nga'y kanina pa ako balisang-balisa at nag-uumapaw ang inis.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" mahinang bulong ko kay Jimmy.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomanceBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
