Chapter 30 - the Love

1.6K 36 0
                                    

"I promise to love you forever - every single day of forever."

- Stephenie Meyer

.

Dianne POV

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Jimmy. Juicecolored, ano'ng mukha ang maihaharap ko sa kanya!

Nahihiyang iniba ko ang tingin. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Anak ng tipaklong! Gusto kong bumuka ang lupa at lamunin ako ng buo, NGAYON NA!

"Hindi mo ba muna lalapitan ang asawa mo?" nanunuksong utos pa ni Ate Thesa sa akin at hinatak na ako patayo.

"Actually siya naman talaga ang nagbayad ng bills mo kaya sa kanya ka may pagkakautang." amin narin niya.

My goodness, nagkakautang pa ako nang wala sa oras dahil sa kagagahan ko!

"Ano ba ate?" angal ko habang inilalapit na niya ako kay Jimmy.

"Mag-usap nga muna kayo?" ngiti pang sabi pa niya at bahagyang itinulak ako kay Jimmy kaya nasubsob ako sa dibdib niyon.

"Next time susuntukin ko na kayong pareho. Idadamay niyo pa ako sa hide and seek ninyo." natatawa pang banta ni ate.

"Ayusin niyo muna iyang problema ninyo, kabagu-bago pa lang ninyo ay nagtatampuhan na kaagad. Kami na muna ni 'heart ang kakausap kay daddy." bilin pa niya at nilapitan na nga si Mark, na kapapasok lang din. Magka-hawak-kamay na ang mga iyon na pumunta sa kinaroroonan nina daddy, mommy at Kuya Jason.

Naramdaman kong hinawakan na ni Jimmy ang palad ko.

"Wala naman tayong dapat na pag-usapan pa." nahihiyang sambit ko at tangkang bawiin ang aking palad.

"Please!" mahinang sabi niya. "Ayaw kong maging ganito tayo sa isa't isa! Pag-usapan natin ito. Ayaw kong matapos ang araw na ito na hindi tayo nagkakaayos."

Hindi naman ako umimik. Natigilan na ako. Si Jimmy Monteverdi ba ang nasa harapan ko? Tila ibang persona ang nasa harapan ko ngayon.

"Please!" patuloy parin niya habang hinihintay ang magiging kasagutan ko.

Napatango na ako saka pinagbigyan siya. Lumabas na kami ng bahay. Tinungo namin ang harden at naupo sa concrete bench na naroon.

"Hindi ko na alam kong hanggang kailan itong pagsasama natin. Baka isang araw magising ka na lang na muli mo na naman akong iwan." mahinang sambit ko saka ibinaba ko na ang tingin.

Gusto ko na namang dagukan ang sarili. Bakit pa kasi ako nagpakasal sa kanya?

Hinarap niya ako saka ikinulong ang magkabilaang pisngi ko at itinaas pa niya ang aking mukha para magtama ang aming mga tingin.

"Hindi iyan mangyayari Dianne dahil mahal na mahal kita!" sunud-sunod na sambit niya.

Napalingi-lingi naman ako, "Sinasabi mong mahal mo ako pero basta mo na lang ako iniiwan." may hinanakit pa sabi ko saka sunud-sunod na bugtung-hininga ang ginawa ko.

"Ano ba'ng assurance Jim na hindi mo nga ako iiwan?" patuloy ko bahagyang itinapi ko ang kanyang mga palad.

"Babayaran ko ang lahat ng pagkakautang ng daddy mo." seryosong sagot niya.

Napalaki naman ang mga mata ko sa mga narinig. "Babayaran mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Binibili mo ba ako Jim?" kunot-noong panlilinaw ko.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon