''People may hear your words, but they feel your attitude.''
- John C. Maxwell
.
Dianne POV
Tila napapasong inilalayo ko ang sarili kay Jimmy. Nanginginig parin ang mga kalamnan ko at hindi ko mapigilan ang pangangatog ng aking mga tuhod.
Ramdam na ramdam ko parin ang mga kapusukan niya. "Huwag kang lalapit sa akin." ang nauutal kong sabi habang patuloy parin sa pagpatakan ng aking mga luha.
"Don't act like a child Dianne!" ang naiinis na sambit niya habang patuloy sa paglapit sa akin.
"Ako pa ngayon ang asal bata!" pabalang na asik ko habang pinupunasan ang aking mga luha. Ghad, daig ko na 'ata ang isang crying lady sa burol ng napayapang intsik dahil sa walang tigil na mga pag-iyak ko!
Napabugtung-hininga na ako at bahagyang pinatatag ko ang sarili, "Look at you!" sabay duro ko pa sa kanya. "...ayaw ko ngang magpakasal sa'yo pero ipinagpipilitan mo pa ang sarili mo! Hindi ka ba nakakaintindi? HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA'YO!" nagtapang-tapangang sabi ko kahit durug na durog na ang puso ko.
"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko Dianne dahil alam mong masasaktan ka lang!" matalim na tinitigan pa niya ako sa mga mata.
Napaurong ang dila ko, lagi na lang niya akong dinadaan sa kanyang paninindak. Mas lalo pa ngang nabalutan ng galit ang mga mata niya. Nakaramdan na naman ako ng matinding takot.
Hindi ko na naman mapigilan ang dobli-dobling kabang nasa dibdib ko.
Juicecolored, ano ba'ng gagawin ko? Parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina, na halos ay ikamamatay ko na nga sa sama ng loob at pagluluksa. An'dumi-dumi ko...
Bakit pinararamdam niyang ako ang laging may kasalanan? Gusto niya ba'ng wala lang sa akin ang mga pinaggagawa niya? Ang maging manhid na lang ako? Ako pa 'ata itong lumalabas na nagmamatigas sa ngayon.
"Hindi ako magpapakasal sa'yo and its FINAL! Sasabihin ko kay mommy na pinagsamantalahan mo ako..." ang nauutal kong sambit.
Punung-puno ng galit ang nakikita ko sa mga mata niya, "Wala kang pagsasabihan kahit na kanino..." pagbabanta pa niya at gusto niya akong sunggaban.
Nang may humintong sasakyan sa harapan namin. Isang pamilyar na sasakyan at iniluwa niyon walang iba kundi si...
"DADDY!" bulalas ng mga labi ko at mabilis ko na siyang ng sinalubong ng mga yakap.
"Kamusta ang prinsesa ko?" ang katuwaang sambit pa ni daddy at hinalikan ako sa noo.
"Salamat dad! Nasaan po si mommy?" ang tanong ko imbes na sagutin siya.
"Pinag-alala mo ang mommy mo, alam mo ba? Pauwi na ako sa bahay pero pinapadaanan ka niya." sunud-sunod na sambit ni daddy at tinapunan pa niya ng tingin si Jimmy. "Ano'ng ginagawa niyo dito sa labas?"
"Kararating ko nga lang din Mr. Caesar at naabutan ko nga si Dianne dito sa labas." sagot naman ni Jimmy at tinapunan pa ako ng tingin. "Sorry po sa pag-alala! Ako na ang bahalang maghatid kay Dianne papauwi."
Napalingi naman ako, "Sasabay na lang ako sa'yo dad pauwi. Makakaabala pa ako kay Jimmy."
"Okay lang naman love!" sambit pa ni Jimmy sa akin.
Napalaki naman ang mga mata ko at mariing tiningnan siya. Love-love-bin mo ang mukha mo, ipokrito!
Napalapit siya sa kinatatayuan namin ni daddy. Umiba na naman ang awra niya. Masyado talagang mabilis magpalit ng ekspresyon ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
DragosteBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...