Extra Chapter: his Confession

1.1K 25 0
                                    

"Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own." 
-Robert A. Heinlein


.

Chin POV

Nagising akong nakaunan sa kanang bisig ni Jason. Marahang kumawala na ako sa kanya at napahilot sa aking noo. 

Ayaw parin niyang sumuko. Naguguluhan parin ako. Hindi ko alam.

Ngunit napalaki ang mga mata ko nang makitang wala akong saplot sa katawan.

Ghad, ano'ng nangyari? Sa mahabang panahon ay nagawa din niyang makipagsiping sa akin sa kanyang kagustuhan.

Napalingi-lingi na ako habang inaalala ang mga malalamig na pagsasama namin dahil tila magkaboardmate kami na hindi nag-iimikan at walang pakialam sa isa't isa.

Napatingin na ako sa aking sarili. Wala nga siguro akong karisma sa kanya kaya nagawa ko pang sabihing gusto ko nang magkaroon ng anak bago may mangyari sa aming dalawa.

Napahawak pa ako sa aking puson. Nagkukumawala naman ang mga luha sa aking mga mata. Naiisip ko na naman ang anak ko, hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na mamuhay sa mundo!

Ang anak ko na lang sana ang alam kong magmamahal sa akin pero hindi na mangyayari! Gaya ni mommy ay kinuha narin siya sa akin.

Napatayo na ako saka tinapunan ng tingin si Jason na mahimbing parin ang tulog.

"Akala ko sa pagpapakasal ko sa kanya ang makapagpapalaya kay daddy ngunit isa palang pagkakamali." nagpupuyos na naiisip ko.

Parang pinipiga na naman ang dibdib ko kaya tinungo ko na ang banyo at mabilis na isinara ko na ang pintuan.

Gusto kong i-untog ang ulo sa pader."Ano ba'ng kamalasan ang mga nangyayari sa akin? Juicecolored, ano'ng pasakit pa ang mararanasan ko sa buhay? Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba. Hanggang kelan pa ba ako masasaktan?" tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luha. 

Masakit na masakit parin.

"Sana ay tuluyang naging manhid na lang ako! Sa mga nangyari ay hindi ko na alam kung nakakapag-isip pa ba ako ng maayos! Halos gabi-gabi akong hindi pinapatulog ng aking konsensiya! Tila isa akong bilanggong naghihintay na makalabas sa malamig na rehas habang hindi alam kong kailan babasahan ng sakdal. Wala akong masandalan at nilalamon ng kadiliman. Para na akong mababaliw! Sa sitwasyon ko ay mas gugustuhin ko na lang na tuluyang masiraan ng bait para makawala sa lahat ng ito? Gusto ko nang makawala! Gusto ko nang matahimik."

Maya-maya'y narinig ko na ang sunud-sunod na katok sa may pintuan kaya natauhan ako.

Malakas na binuksan ko na ang shower valve at kasunod ng mga tubig na dumadampi sa katawan ko ang malayang nagkukumawalang mga luha sa aking mga mata.

.

.

Jason POV

Nagpupuyos ang kalooban ko habang nakatingin kay Chin na malamig na namang nakatingin sa akin.

"Kailangan ko ng umuwi." ang mahinang sabi niya saka nilagpasan na ako. 

Para namang pinipiga ang dibdib ko."Chin," ang nasasaktang sambit ko habang nakasunod sa kanya.

"Pasensiya na, hindi ko sinasadyang maging emosyunal! But I'm good now! Magkita na lang tayo sa pre-trial." wala paring emosyong sambit niya.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon