Chapter 24 - the Vows

14K 302 14
                                        

"Love is our true destiny. We do not find the meaning of life by ourselves alone - we find it with another."
- Thomas Merton

.

Dianne POV

Akala ko ay ako lang ang nakakaramdam ng kakaiba para kay Jimmy.

Dito pa talaga sa harap ng altar at maraming tao ang nakasaksi sa kanyang mga kumpisal. Hindi parin ako makapaniwala dahil halos isang buwan kong ipinagluluksa ang mga ginawa niya.

Sana ang pagpapakasal ko sa kanya ay hindi ko pagsisihan at umaasa akong mangibabaw ang pagmamahal niya sa akin.

Ghad, gusto ko na namang maiyak, tama ba ang naging desisyon ko? Paano kong... maulit na naman ang mga ginawa niya before? Kakayanin ko pa ba?

Pinapalaya na niya ako pero bakit mas pinili ko pang sumipot dito sa simbahan at magpakasal sa kanya.

"Dianne, do you have Jimmy to be your wedded husband, to live together after God's ordinance in holy estate of matrimony? Will you love him, comfort him, honor and keep him in sickness and in health, and forsaking all others, keep you only unto him, as long as you both live?" sunud-sunod na tanong ni father sa akin.

Hindi ako nakasagot, muli akong napatingin kay Jimmy. Isang naguguluhang mga tingin ang ibinigay ko sa kanya.

Natigilan naman siya habang hinihintay ang sagot ko at ramdam ko na ang mga kaba niya sa dibdib.

Oh my, handa na ba talaga ako? Mga katanungan nasasaisip ko. Napabaling ako sa mga mata niya.

Nagmamakaawa ang mga titig niya sa akin.

Wala na talaga itong turning back kundi ang tuluyan ko nang yakapin ang pagiging misis ni Jimmy.

"I do father." ngiti naring sagot ko habang nakatitig parin sa kanya.

Pumatak ang mga luha niya sa mga katagang sinabi ko.

Oh ghad, tama nga si ate! Nararamdaman ko ngayong mahal na mahal talaga niya ako, hindi lang sa salita kundi sa mga nakikita ko sa mga mata niya.

"Salamat Dianne, walang pagsidlan ang kasayahang nararamdaman ko!" mahinang bulong niya sa akin.

Bahagyang napapikit naman ako. Ipinapaubaya ko na po ang lahat sa mga kamay Ninyo Lord! Sana ay magiging masaya ako sa piling ni Jimmy.

Nagpatuloy na sa pagtatanong si father sa mga sponsors at mga tao.

Maya-maya'y hinawakan na ni Jimmy ang kanang kamay ko. Nahihiyang napatingin ako sa kanya. Oh my!

"In the name of God, I, Jimmy take you Dianne, to be my wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow." ngiting sambit pa niya.

.

Pagkatapos ay binasbasan narin ni father ang ring, coins and flowers.

Kinuha na ni Jimmy ang sinsing at isinuot sa kanang daliri ko sabay sambit, "Dianne, I will give you this ring as a symbol of my vow, and with all that I am and all that I have, I honor you, in the Name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit. Amen."

Oh my, ito na nga! Parang nanginginig pa ang mga kamay na kinuha ko narin ang sinsing at isinuot narin sa daliri ni Jimmy. "Jimmy, I give you this ring as a symbol of my vow, and with all that I am and all that I have, I honor you, in the Name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit. Amen."

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon