Chapter 23 - Moment of Truth

13.9K 323 20
                                    

''The beginning of love is to let those we love be perfectly themselves, and not to twist them to fit our own image. Otherwise we love only the reflection of ourselves we find in them.''
- Thomas Merton

.

Jimmy POV

Sunud-sunod na flash sa akin ng mga camera ang mga nangyari. Pero hindi ko na inalintana pa ang itsura ko.

Unang beses na nagpakita ako ng kahinaan sa harap ng mga tao.

Masyado talagang masakit ang pagpapalayang ginawa ko kay Dianne. Pero kailangan kong gawin para sa ikakaligaya niya. Bahagyang pinunasan ko ang mga luha saka muling napaharap sa mga tao.

Nakita kong nagkakagulo narin sila sa loob ng simbahan. Iba't iba ang mga naging reaksiyon na mga narinig ko. May mga nagsipaglabasan narin at paroo't parito ang karamihan.

Nagpapanik narin sina mommy at daddy pati narin ang mga magulang ni Dianne. Parang gusto ng magsuntukan nina daddy at Mr. Caesar.

"Dad, Mr. Caesar!" awat ko ngunit patuloy parin sila sa pagtatalo.

Maya-maya'y may naramdaman akong humaplos sa likuran ko. Napalingon ako roon at nakita ko si Mark.

"Give the floor to the emcee bro'." sambit pa niya at kinuha na ang mikropono sa akin.

"Pero hindi pa ako tapos magsalita..." angal ko ngunit hinila na niya ako pababa ng pulpito.

Pagbaba namin ay bahagyang pinagpag pa niya ang suit ko.

"Make yourself presentable bro'. sabi pa niya. May umabot pa sa akin ng isang box na tissue paper.

Pinunasan ko narin ang mga luha ko. Ngunit hindi parin humuhupa ang kirot sa aking puso.

"Pakiawat sina daddy." utos ko sa kanya ngunit ningitian lang niya ako kaya kunot-noong tinitigan ko siya.

"Brothers and sisters in Christ, please be seated!" napalaki ang mga mata ko sa sambit ng emcee.

Kasabay naring narinig ko ang pagsira ng pintuan ng simbahan kaya napalingon ako roon.

Nakita kong nakasira na nga ang pintuan at ang muling pag-upo ng mga tao sa pews.

Napansin ko ring nakatayo na sa likuran ng aisle ang apat na sacristan at si Rev. Fr. Gonzalez.

May mga usherette naring lumapit sa akin at dinala nila ako sa likuran ng aisle, kasabay naman sina mommy at daddy.

"Ano'ng nangyayari?" nagtatakang tanong ko.

Ngunit wala akong nakuhang sagot sa kaninuman.

Nagsimula naring magbasa ang emcee:

"As the Father has loved me, so I have loved you. Remain my love." (John 15:9)

"Good morning. Today is a memorable day for us all, for the Lord has given us the blessing to celebrate the union of Jimmy and Dianne in the Sacrament of Matrimony a proof of love which transcends beyond time, proof of the unbreakable love between Christ, the groom and the Church, His bride."

Natigilan ako sa mga narinig. Hinanap ko nang tingin si Thesa ngunit hindi ko na siya nakita.

Tinawag ko si Mark na nasa harapan ko ngunit isang ngiti lang ang itinugon niya saka muling itinuon niya ang atensiyon sa may altar.

"Tinakot mo ako Jim!" ngiting sambit ni mommy at inayos narin niya ang buhok ko saka hinaplos pa ang pisngi ko. "Bakit hindi ka man lang nag-ahit, moment mo pa naman ngayon." bulong pang patuloy niya.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon