"I love you not because of who you are, but because of who I am when I am with you!"
-Roy Crott
.
Dianne POV
Nandito kami sa Mondragon Mansion para ipagdiwang ang Thanksgiving Party para kina Ate Chin at Kuya Jason.
Kasalukuyang pababa na kami ni Ate Chin.
Hindi ko maiwasang mabighani sa kanyang kagandahan. Kung naging lalaki siguro ako ay naging karibal ko na si kuya. Gusto kong matawa kung hindi lang sana ako magmukhang nasisiraan sa mga naiisip.
Pangiti-ngiting nakapako lang ang tingin ko kay ate. Mas lalo pa ngang lumutang ang kagandahan niya sa suot na biedge high waist elegant party dress at light makeup.
Ano ang ipanlaban ng Miss Universe? Sa postura... check!
Sa pananamit... check!
Sa katalinuhan... check!
Sa ganda at kinis na kutis... check!
At siyempre higit sa pagmamahal ni kuya. Naks, check na check! Pasok na pasok sa banga from head to toe!
Mabuti na lamang ay nagkakaaminan narin silang dalawa ni kuya. Ghad, kami pa ba ang lolokohin nila, kaloka lang? Deny-yal to death pa ang drama, na nag-iibigan din naman pala.
Paulit-ulit ko nang binabati ang aking sarili sa matagumpay na kinalabasan ng mga plano.
"Salamat bunso! Salamat sa ginawa mo, kung hindi ay siguradong nauwi na kami sa annulment ni Jason." narinig kong pasasalamat pa ni Ate Chin kaya napangiti naman ako.
CONGRATULATION SELF! Parang nahihibang na bati ko rin sa aking sarili.
"Mabuti naman at alam mo!" Gusto ko pa sanang sabihin ngunit sinarili ko na lamang. Ayaw kong mabatukan, ang nakakalokang naiisip ko!
"Wala iyon ate. Ikaw pa, eh an'lakas mo kaya sa akin! Huwag mo na iyong isipin. Ang importante ay nagkaayos na kayo ni kuya. Masayang-masaya ako para sa inyo ni kuya." bagkus ay ngiti paring sagot ko saka napayakap na sa kanya. "Don't forget my donut! My whole year Krispy Kreme donut." pabulong at ngiting patuloy ko.
Napatawa naman siya saka bahagyang nakipagkalas na sa pagkakayakap ngunit hindi parin niya binibitiwan ang aking kamay, "Don't worry! Sasabihan ko si Jimmy for franchising..."
"Nagbibiro lang ako ate! Tama na ang isang dozen." natatawang pagtatama ko.
"Hindi na ako nagtataka kung bakit patay na patay sa'yo si Jimmy?" kumento pa niya, na ikinapula naman ng aking mukha.
"...at bakit naman ako nasama sa usapan?" boses mula sa di kalayuan kaya napalingon na kami doon.
Napangiti ako nang makita ang aking asawa sa kanyang all black suit, na bumagay naman sa kanyang personalidad.
Habang tumatagal ay lalo pa nga itong gumaguwapo sa aking paningin. Ghad, tila nag-slow motion pa ang paligid habang sinusundan ko ito nang tingin na papalapit.
Mapahanggang ngayon ay napakalakas parin ng dating nito, na para bang nakasakay sa roller coaster ang buong internal organs ko!
"Bakit ba napakalakas ng radar mo cous? Minsan ay bigyan mo naman ng space ang mga girls para makapag-usap without your ears around." angal pa ni ate kaya natauhan ako.
"Hinihintay ka na sa labas. Pauuwiin ko na lang ba ang mga bisita? Nakakapagod mag-estima sa kanila. Hindi ko naman party." angal pa ni Jimmy. "Puwede ba cous, tama na ang panghihimasok namin ni Dianne sa buhay mo. Hindi mo ba nakikitang kailangan din namin ng moment nang sa ganoon ay makakuha kami kahit na isang negosyo ni daddy. " ang nakangiting sambit pa nito na nakaharap sa akin at kinindatan pa ako.
BINABASA MO ANG
You're Mine!
Roman d'amourBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
