Chapter 13 - it's Over!

12.6K 323 61
                                        

''There is something beautify about all scars of whatever nature. A scar means the hurt is over, the wound is closed and healed, done with.''
- Harry Crews

.

Dianne POV

Hindi ko matagalan ang mga pinagsasabi ni ate. Kung anu-ano kasi ang mga bagay ang inilalagay niya sa utak ko.

Kung alam lang sana niya ang mga pinaggagawa ni Jimmy. Gusto ko na namang umiyak. Ghad, hindi ko parin makakalimutan ang mga nangyari!

Ano ba'ng nangyayari kay ate? May make him fall pa talaga siyang nalalaman, kaloka! Napalaki pa ang mga mata ko. Wala akong planong sundin ang mga pinagsasabi niya.

Manigas si Jimmy dahil hindi ko ibibigay sa kanya ang sarili ko. Ang dapat kong isipin sa ngayon ay kung paano ako makakawala sa kanya bago pa man niya makuha ang pinakakaiingatan ko.

"Ate, nasabi sa akin kanina ni Jimmy na kayang bilhin ng pamilya ni Mark ang Sunriser?" ang panlilinaw na tanong ko kay ate.

Napatingin naman siya sa akin, parang alam na niya ang tumatakbo sa utak ko. "Bilhin ang share ng mga Monteverdi?" napataas-kilay pa siya habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Napatango naman ako."Nakapag-desisyon na ako ate, ayaw kong magpakasal pa kay Jimmy!" napakunot-noong napatitig ako sa kanya. "Matutulungan mo ba ako kay Mark?"

"Hindi mo na ba muna bibigyan ng pagkakataon si Jimmy?" napabugtung-hiningang tanong niya.

Napalingi naman ako, "Napapagod na ako ate! Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Masakit na masakit na talaga dito." naluluha na namang sagot ko at napaduro na sa aking dibdib. "Parang sasabog na nga ang puso!"

Hinaplos pa niya ang palad ko saka bahagyang napangiti, "Oo naman, tutulungan kita! Ikaw lang naman ang hinihintay kong magdesisyon."

"Talaga ate?" parang nabunutan ako ng tinik sa mga narinig mula kay ate. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. "Salamat!" napaiyak ako sa tuwa at napayakap na ako sa kanya.

Ilang minuto ring nakayakap ako kay ate, walang pagsidlan ang kasayahang nararamdaman ko. Ghad, hindi na ako makakapaghintay pa! Makakawala narin ako kay Jimmy.

Pangiti-ngiti na ako at muli akong napatingin sa baba sa kinaroroonan nina Jimmy at Mark.

Nang may biglang papalapit sa kanila na isang babae. Pamilyar ang mukha niyon at parang nakita ko na nga. Bahagyang napapaisip ako.

"Sino iyong girl ate?" naguguluhang tanong ko kay ate.

Ngunit napalaki ang mga mata ko nang hinalikan niyon si Jimmy sa mga labi. "Oh my," napahawak pa ako sa aking mga labi.

"Nakita ko na pala iyong girl ate. Siya rin iyong nakita kong kahalikan ni Jimmy sa opisina niya." monotone kong sambit habang hindi parin naaalis ang tingin sa babae.

"Kahalikan ni Jimmy sa opisina?" panlilinaw pa niya. "Kapatid siya ni Mark at ang pagkakaalam ko ay ex-girlfriend na ni Jimmy si Grecylle." parang na-shock pa niyang sambit.

"Ghad, siya pa talaga ang unang humalik kay Jimmy!" patuloy pa ni ate at nakakalokang tinapunan pa ako ng tingin. "Kung ako iyon, susugurin ko na sila at ipamukhang AKIN LANG SI JIMMY!"

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Baka nagkabalikan na sila ate? Bagay naman silang dalawa eh!" mahinang sabi ko. "Mas mabuti ngang iyon na lang ang pakasalan niya!" patuloy ko.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon