Extra Chapter: the Heartache

1.5K 26 0
                                        

"Keep your words soft and tender because tomorrow you may have to eat them."
-Anonymous


.

Chin POV

Padabog na papalabas ako ng condo unit na nakayapak. Tila nakalutang ang mga paa ko sa alapaap at nilalamig ito. Hindi talaga ako sanay na walang sapin ang mga paa. Sa dinami-dami kasi ng maiiwan ay ang sapatos ko pa. Gusto kong magmura sa inis!

Hindi ko talaga mapapalampas ang ginawa ni Mang Kanor na pang-iiwan sa akin kay Jason at kung bakit hinayaan niya akong iuwi nito? Alam naman niyang galit na galit si Daddy.

Nakakainis, madagdagan pa ang pinuproblema ko! Masisisante ko ang matanggang iyon pagka-uwi ko! Nakakagigil!

Kung puwede lang magwala ay ginawa ko na ngunit ayaw ko din namang masira ang apelyidong Mondragon, na alam kong matagal naring umuusbong sa kasamaan.

Bahagya na akong napatingin sa isang sulok kung saan tutuk na tutok sa kinaroroonan ko ang CCTV.

Napakuyom na ako ng mga kamao. Matagal ko naring gustong makawala sa anino ni Daddy. Ngunit napalingi na ako, namulat ako sa marahas na kapaligiran at mamamatay din akong nakatali dito.

Mas lalo ko pang binilisan ang paghakbang hanggang sa narating ko ang kinaroroonan ng elevator at pinindot ko na agad ang button pababa ng ground floor.

Napatingin na ako sa stainless door at tinapunan ng tingin ang aking sarili.

Oh my, sabog ang buhok ko at halos nabura narin ang foundation ko sa mukha! Para pa akong dinaganan ng sampung elepante. Disgusting!

Sa itsura ko ngayon ay mawawala ang respeto ng mga empleyado ko.

Mabilis na sinuklay ko na ng mga daliri ang buhok ko!

Malilintikan ka sa akin Mang Kanor. Tinraydor mo ako! Nakakagigil!

Nangangati na ang mga paa ko sa kakahintay sa pagbukas ng makupad na galaw ng elevator, na kasalukuyang nasa ikalawang palapag pa lamang.

Ghad, pati ba naman ang elevator ay nakikisabay sa kamalasan ko. Mas mabilis pa 'ata kung sa hagdanan ako dumaan! Naiisip ko at pinaikot ko na ang tingin.

Ngunit parang may umugong sa tenga ko kaya natigilan ako.

Ang HAGDANAN!!!

JUICECOLORED!

Bigla ko na namang naiisip ang anak ko kaya sunud-sunod na pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Mas lalo akong nanghihina at nawawalan ng lakas. Sa tuwing naaalala ko ang anak ko ay parang mamamatay ako at tila may punyal na paulit-ulit na tumusuk-tusok sa aking dibdib. Masakit na masakit!

Nang may biglang bumuhat sa akin at saka maingat na inilagay sa kanyang balikat.

My goodness, si Jason!

"Ibaba mo nga ako!" papalag-palag at pagkukumawala ko habang sinusuntok ang kanyang likuran.

"Easy Babe!" sagot naman niya habang buhat-buhat ako pabalik ng unit.

"Akala ko malinaw na sa'yo ang mga sinabi ko kanina? Ano ba?" nagtapang-tapangang diin ko.

"Isang pagkakamali ang iniwan kita sa mansion kasama si Tanda. Isa ring pagkakamali ang iwanan kita sa gitna ng kalungkutan at ganitong kalagayan. Isa pang pagkakamali ang bitiwan ka at itapon na lang ang lahat ng mga pinagsamahan natin. Ayaw ko nang magkaroon ng isa na namang pagkakamali na pagsisihan ko habambuhay. " tuluy-tuloy na sagot niya.

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon