"Fortune is like glass - the brighter the glitter, the more easily broken."
- Publilius Syrus
.
Dianne POV
"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Jimmy sa akin dahil alas siyete pa lamang nang umaga ay nakabihis na ako.
Kasalukuyang papalapit siya sa kinatatayuan ko.
Isang cream casual dress na 2 inch from the knees ang suot ko ngayon at sinamahan pa ng cream sandals saka light make-up.
"Hindi ka parin ba uuwi sa inyo? Dalawang gabi at dalawang araw ka ng nandito sa bahay namin." mahinang tanong ko imbes na sagutin ang katanungan niya habang binibistadahan ko ang sarili sa salamin.
"Hindi pa, baka mamaya, baka bukas! Nagustuhan ko na 'ata itong maliit mong silid." ang ngiti pang tugon niya at nakita ko buhat sa salamin, na napatayo na siya't napahiga pa sa kama ko.
Ghad, pasaway! Nilingon ko na siya, "Hindi ka puweding mahiga sa kama ko, doon ka sa couch!" nakapamaywang pang turo ko sa couch na pinanggalingan niya.
Hindi naman siya nagpatinag. Mas lalo pa nga niyang niyakap ang mga unan at mangislap-ngislap pa ang mga mata habang nakatingin sa akin. "Nagkaka-stiffneck na ako doon. Mas gusto ko dito sa kama."
Napabugtung-hininga na ako, ayaw kong makipag-away dahil linggo.
"Bahala ka na nga, aalis na ako!" ani ko at kinuha ko na ang aking shoulder bag.
"Saan ka ba? Ang aga-aga mo naman." mahina na namang tanong niya.
"Sunday ngayon kaya may date ako." bahagyang nakangiting sabi ko.
Napalaki naman ang mga mata niya.
"Date?" tikim-bagang tanong niya at napabangon na siya sa higaan. "Ano'ng date ang pinagsasabi mo? Sino'ng may date?"
"Bakit? Hindi ba puweding makipagdate?" ngiti paring sambit ko. "Wala naman akong gagawin ngayon kaya makikipagdate ako!"
Ghad, parang nagdiwang ang kalooban ko sa naging reaksiyon niya! Daig pa niya ang asawang nagseselos. Nagsalubong pa talaga ang kanyang mga kilay. Napatayo na siya saka walang pasabing hinapit ang beywang ko.
"Hindi ka aalis!" matalim na tinitigan niya ako sa mga mata.
Kunot-noong nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. "Sino'ng nagbigay ng permiso sa'yong pigilan mo ako? May karapatan din ako na makapaglibang at mamasyal."
Ngunit natigilan ako nang marahas na kinuyom niya ang aking mga labi. "Akin ka lang Dianne!" nanggigigil na proklamasyon niya at itinulak na ako sa kama.
Napahiga naman ako sa kama sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Biglang sumakit 'ata ang likuran ko.
"Hindi ka makakaalis!" galit na galit na sambit pa niya.
Nakaramdan na naman ako nang matinding takot, mabilis akong napabangon at napaharap sa kanya. Nakita kong nagdilim ang paningin niya habang papalapit sa akin. Ano ba kasing sinabi ko? Mas matindi pang galit ang nakikita ko sa mga mata niya at anumang sandali ay puwede niya akong sunggaban.
Nanginginig ang buong katawan ko. May masama na naman siyang pinaplano. Oh ghad, HINDI!!!
"Hindi Jim! Juicecolored!" nauutal kong sambit. "I-it's not what you've think!" tuluyan ng pumatak ang mga luha ko habang itinataas ko ang palad para patigilin siya. "Makinig ka, mali ang iniisip mo."
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomansaBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...
