CHAPTER TWO

77 19 0
                                    

MAAGA pa din akong nagising kahit halos madaling araw na ako nakatulog dahil sa hindi ako pinatulog ng titig ni Eros sa akin kagabi, ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Ipagsasawalang bahala ko na lamang iyon.

Tumungo ako sa banyo para makapaglinis ng katawan para komportable akong tingnan pero ng wala na akong saplot ay bigla ko namang naalala na wala nga pala akong damit na isusuot ulit.

"Algea"

Narinig kong boses ni Frinda sumilip ako sa pinto ng banyo at nakita sya na tumitingin sa paligid.

"Frinda" tawag ko sa kanya tumingin naman ito sa akin at lumapit.

"Ito Algea damit ko yan kaso hindi ko naman nasuot dahil masikip sa akin binili iyan ni Mama sakto lang yan sa katawan mo dahil balingkinitan ka naman mayroon na din dyang maong short may pang ilalim na rin dyan na bago pa dahil may extra pa na nabili ni Mama sa tiangge. Hayaan mo isasama ka namin ni Mama sa susunod na linggo para mabili ka namin ng mas maayos pa na damit dyan"

"Nako ayos na ito Frinda malaking bagay na ito sa akin. Salamat dito"

"Ayos lang yan sige na tapusin mo na ang paliligo mo hihintayin ka namin sa baba" sabi niya at tumalikod na palabas ng silid ako naman ay ipinagpatuloy na ang paliligo.

Pagkatapos kong maligo at punasan ang aking buhok ay sinuklay ko ito at humarap sa salamin na nakadikit sa pader.

Simpleng dilaw na damit na may manggas at maong ang suot ko ngayon tama nga si Frinda saktong sakto lamang ito sa katawan ko. Pagkatapos kong tingnan ang aking sarili sa salamin ay lumabas na ako ng silid naabutan ko naman sila sa may kusina na nagsisimula ng magluto lumapit ako kay Inay Frela.

"Magandang Umaga Inay" sabi ko sa ginang.

"Magandang Umaga hija mukang maganda ang gising mo ngayon"

"Masaya lang po ako ngayong araw tulungan ko na po kayo dyan"

"Hindi na kaya ko na ito"

"Sige na po Inay Frela"

"Ikaw talagang bata ka oh, sya sige ito ilagay mo sa kawali kapag kumukulo na" sabi niya sa akin at itinuro ang kangkong na nasa plato.

Napansin ko naman si Irene at Sida na kapapasok lamang.

"Magandang umaga sa inyo" sabi ko sa kanila at ngumiti naman ang dalawa.

"Maganda umaga po Ma'am— ay! Ate Algea pala" si Irene.

Sinabi ko kasi sa kanila na tawagin na lamang nila ako sa aking pangalan hindi naman ako sanay na tawagin akong Ma'am.

"Magandang Umaga din po" ito si Everlyn ito ang mas pinakabata sa amin disesyente anyos pa lamang ito.

Tumingin ako kay Sida na tahimik lamang na nagpupunas ng plato tumingin ito sa akin at nginitian ako ganon din ako sa kanya.

"Magandang umaga hijo, kumain kana" narinig kong sabi ni Nay Frela sa likod ko kaya naman mabagal akong lumingon sa likod nakita ko na nakaupo na ito at pinaghahainan ng pagkain.

"Algea, hija nailagay mo na ba ang kangkong?" sabi ni Inay Frela sa akin.

"Ah opo Nay."

"Sige ako na d'yan at bigyan mo ng tubig si Eros doon"

"S-sige po"

Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig ngayon pinilit ko na wag manginig at kabahan sa harap niya.

"Magandang araw po sa inyo Sir Eros" sabi ko kaya mabilis itong napatingin sa akin.

Dapat masanay na din akong tawagin siyang Sir dahil simula ngayon magtatrabaho na ako sa kanya bilang isang katulong.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon