CHAPTER FORTY SEVEN

40 2 1
                                    

"Congratulations!"

"Congratulations, Algea!"

Hindi ako magkandaugaga sa dami ng mga bumabati sa akin. Mga teachers at block mates ko, ganoon din ang mga nakilala ko pang iba dahil naging kaklase ko sa ibang subjects.

"Congrats sa atin girls! We are officially unemployed! Woah!" sigaw ni Gela sabay hagis ng kanyang cap.

"Congratulations sa inyo," sabi ko na hati ang nararamdaman. May halong lungkot at saya. Saya, dahil nakapagtapos na kami ng pag aaral at lungkot, dahil hindi na kami palaging magkikita.

Napansin ko na pilit na ngumingiti si Dheasy sa kabilang sulok.

Pinuntahan ko ito.

"Are you okay?" hinawakan ko ang kamay nito.

"I'm okay, let's enjoy this day, Algea. We finally made it. I am so proud"

Nagumiti ako at nagyakapan kami.

"Uhm, tuloy pa din ba ang pagpunta mo sa America?" tanong ko sa kanya. Nawala naman ang ngiti sa kanyang mukha nang itanong ko iyon. Sumimple naman siya ng tingin kay Aiku.

"Yes, I have to. Nandoon sa America ang dream ko Algea"

"Nasabi mo na ba ito sa kanya?" alam ko na nahihirapan na s'ya sa mga oras na ito.

"No, and I don't have a plan to say it to him"

"Kung ganoon, pinipili mo ang career mo?"

She nod with a confident. "Nakapag decide na ako. Pinipili ko ang career ko over love. Love can wait, but career is not, that's my motto right now," Tumawa ito matapos naming pag usapan ang tungkol sa pinagdadaanan niya. "Ayokong maging malungkot ka at kayo ni Gela"

"Hindi alam ni Gela na aalis kana?"

Walang reaction na ibinigay si Dheasy sa akin.

"Alam ko."

Sabay kaming napatingin ni Dheasy kay Gela na kakapunta lang sa pwesto namin.

"Are you sure about this Dheasy?"

"Yes. Final."

"Pagsisisihan mo ito sa huli Dheas, masasaktan ka lalo"

"Alam ko. One hudred times kong pinag isipan ang bagay na ito, I'm ready for the consequences. I will take the risk for my dream."

"Kahit kailan hindi ko suportado ang mga desisyon mo. Palaging magkasalungat tayo," nagtataray na sabi ni Gela kay Dheasy. "After all, you are my friend. Wala akong nagagawa kapag nagdesisyon ka na kahit hindi ko din gusto. Bakit mo ba pinahihirapan ang sarili mo, ha?!" naiiyak na si Gela habang nagsasalita. Niyakap naman ito ni Dheasy.

"I'm sorry Gela. Tama ka, magkaiba lagi tayo ng gusto. Matapang ako tapos ikaw, cry baby"

"Dheasy!" Pinunasan ni Gela ang kanyang pisngi. "You ruin my make up. Kainis!" padabog na sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react sa mga nakikita ko.

Sigurado akong madami na silang napagdaanan at napagkwentuhan sa isa't isa. Base din naman sa sinasabi nila e alam kong sobrang tagal na nilang magkaibigan.

"Group hug?" aya sa akin ni Dheasy.

Ngumiti naman ako at yumakap din sa kanila. Doon ay lalo pang lumakas ang iyak ni Gela kaya naman hindi ko na din matiis ay umiyak na din ako.

"Hey! Stop you two. Ano ba? Para naman akong mamamatay na e"

"Don't say that Dheasy!"

Dheasy giggled.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon