CHAPTER FORTY SIX

32 2 0
                                    


R-18

WALA PA ako sa huwisyo para bumangon, para bang tamad na tamad ako at mabigat ang katawan ko. Ibinalot ko pa sa katawan ko ang kumot at humikab.

"Yeah, she's sleeping, and I don't want to interrupt her sleep," he said. "We already did. Yes I know. I'll set up an appointment with OB. Hmm. I will say it to her. Bye."

Iminulat ko ang aking mata para tingan siya. Nakita naman niya akong gising na kaya pinatay niya ang cell phone na hawak at inilagay ito sa table bago nagtungo sa kama kung nasaan ako.

"Good morning" he said and kissed me on my forehead.

"Good morning," humikab pa ako bago muling magsalita. "Sinong kausap mo?" Nakahiga pa ako at ayoko pang umupo.

"Si Elie, tumawag sa phone mo. Tulog kapa kaya ako ang sumagot."

"Ah, anong sabi ni Elie?"

"She's worried about you because I told her that you are pregnant."

"Sinabi mo agad?"

"Uh, huh"

Paniguradong pupunta si Elie dito mamaya.

Maya-maya ay naalala ko na lunes na pala bukas.

Urgh! Nakakatamad pa. Bukod do'n, practice na lang ng graduation namin kaya ako papasok.

"M-may pasok na pala ako bukas"

"If you are not feeling well, 'wag ka munang pumasok"

"Nah, practice na lang naman kaya papasok na ako"

"You sure?"

"Hmm." sabi ko. Hinalikan niya ako ulit sa noo hanggang sa dumating sa labi ko.

"I love you, my wife"

"I love you too, Eros"

Itinagilid niya ang kanyang ulo habang nakaharap pa din sa akin.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong niya na ikinakalam naman ng sikmura ko.

Ano nga ba gusto kong kainin sa ngayon?

Bigla kong naisip ang pizza.

"Gusto ko ng pizza"

Pagkasabi ko niyon ay ngumisi ito at pinisil ang ilong ko.

"It's early in the morning to eat pizza, wife"

"Pero ayon ang gusto ko"

Bumuntong hininga ito at hindi nagsalita. Umalis ito sa kama at kinuha ang kanyang cell phone at may pinipindot doon. Habang ako naman ay nakangusong nakatitig sa kanya.

Ano kayang ginagawa niya?

Pagkatapos niyang mag cell phone ay lumapit ulit ito sa kanya at tumabi sa higaan.

"What do you want? Meron pa ba?" tanong niya sa akin.

"Pizza lang ang gusto kong kainin," sabi ko at inayos ang higa. "Kailan ba ulit tayo uuwi ng Bulacan? Miss ko na si Nay Frela"

"If you want, next week. Mag le-leave ako"

"Ano?," umupo ako at humarap sa kanya. "A-absent ka para doon? Hindi na Eros kahit ang driver ko na lang ang maghatid sa akin hanggang doon"

"No. Ayoko. Gusto ko ako mag di-drive sa mag ina ko"

"But you have work and....duty"

"It's okay. Hanggang sabado lang naman ang duty ko. P'wede akong umabsent ng isang araw"

"Puwede ba 'yon?"

"Yes. Wala kabang tiwala sa asawa mo?"

I smirked. "May sinabi ba akong wala?"

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon