CHAPTER NINETEEN

35 13 0
                                    

INAYOS ko ang pulang laso sa hawak kong kahon nandito kasi ang ibibigay kong regalo kay Eros. Habang hawak ko ito ay panay naman ang hawak ko sa likod ko na kita dahil sa suot kong dress na kulay blue at ganon din sa heels na suot ko.

Hindi na naman bago sa akin ang magsuot nito at alam ko kung paano ito isuot ng tama dahil minsan na rin naman ako nakagamit nito.

"You're not comfortable?" salubong sa akin ni Elie.

"Ah oo Elie..."

"Okay magagawan yan ng paraan medyo mahaba naman ang buhok mo kaya wag na nating i-pony tail, hayaan na lang naka bagsak at mas bagay naman sayo ang ganitong ayos"

Kumuha sya ng iilang buhok sa gilid at itinali nagtira din sya ng konting buhok sa side na malapit sa mukha ko. Medyo kulot ang buhok ko ngayon dahil sa gusto nya na wavy ang buhok ko dahil mas bagay daw yon sa akin.

"Done. You're so beautiful with and without makeup for sure tititigan ka lang ni Kuya mamaya" aniya habang nakangiti.

Alanganing ngiti lamang ang naging tugon ko sa kanya.

"Alam kong maiilang kana ngayon kay Kuya dahil nag confess na sya ngayon"

"A-alam mo?"

"Yeah he said it to me. Ako kaya ang nag suggest non sa kanya kaya dapat lang na maging proud ako" Tumingin ito sa salamin at inayos ang buhok at suot nitong cocktail dress.

"Are you ready to face him?"

"Ah oo. Actually.....nahihiya ako Elie"

"For what? and why?" seryoso sya sa pagtanong nyang iyon.

"Sa sarili mo, hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang sarili ko sa kanila kapag nandoon na ako sa lugar na iyon" Hinawakan niya ang isa kong kamay ngumiti sa akin.

"Don't worry I'm always at your back to protect you"

"Hindi mo na kailangan pang gawin yon Elie panahon naman para ako ang gumawa non para sa sarili ko normal lang naman ang ganito eh kaya alam kong kakayanin ko ito"

"That's good to hear. Let's go he's waiting"

Habang nasa byahe ay tiningnan ko ulit ang kahon na pinaglalagyan ko ng ireregalo ko sa kanya nasa isa itong paper bag na binili ko at sa loob sa una ng kahon may nakadikit na sticky note na may nakalagay na "𝐻𝑎𝑝𝑝𝑦 𝐵𝑖𝑟𝑡ℎ𝑑𝑎𝑦"

"We're here" si Elie.

Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa may parking area at tinanggal ang kanyang seatbelt.

Pagkababa namin ay may sumalubong sa amin na guard.

"Good evening Ma'am Eliesh ganon din po sa inyo Ma'am Algea"

"Good evening din po"

"Dito po ang daan sinabi po kasi ito ni Sir Eros"

Naglakad kami sa may hallway na pang isa lang na tao ang kasya sa daanan na ito kaya naka linya kami at nauuna ang Guard na lumapit sa amin kanina para i-guide kami.

Tumigil kami sa isang black na pinto at tiningnan ko si Manong na hindi pa rin niya binubuksan ang pinto.

Anong gagawin namin dito? Alam ko ay sa baba ang venue ng birthday ni Eros.

"Hindi na po ako pwedeng pumasok Ma'am Algea kayo lang po ang sabi ni Sir" sabi ng Guard sa tabi ko.

"Ganon po ba? Thank you po"

"Sige po Ma'am. Alis na po ako"

Pagkaalis nito ay humarap ako kay Elie.

"Sorry Algea but hindi na ako kailangan dito, only you. Just text me if you guys done. Enjoy"

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon