TUMITINGIN tingin ako sa paligid kung nasa malapit lang ba si Eros nahihiya kasi ako sa nangyari kagabi kaya naman hanggat maaari ay ayoko syang makasalubong.
"Sinong tinitingnan mo dyan?"
"Ay ayoko s'yang makita!"
Napahawak ako sa aking dibdib ng marinig ko ang boses niya nakalagay parehas ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa bago hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Sinong ayaw mong makita?"
"Ah w-wala, wala lang yon" sabi ko sa kanya habang hindi nakatingin.
"A-"
"Punta na ako sa kusina" naunahan ko na sya at dali dali akong naglakad patungo sa kusina.
Huminga ako ng malalim pinakiramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Sobrang lakas.
"M-magandang Umaga Inay Frela"
"Oh bakit naman ganan ang boses mo? May nangyari ba? O napanaginipan?"
"Wala po Inay ayos lang po ako"
"Sigurado ka?"
Tumango ako.
"Good Morning Nay Frela" sabi niya sa likuran ko.
"Magandang Umaga sayo hijo aalis kaba ngayong araw?"
"Hindi po, dito lang ako"
Hindi ako sigurado pero parang iba ang hatid sa akin ng pagsabi niya sa 'dito lang ako'
Ipinaling ko na lamang sa ibang direksyon ang ulo ko, kung ano ano na lamang ang napapaansin mo Algea dahil lamang iyon sa nangyari kagabi.
"Kamusta ang pagtulog mo Algea?"
Napalingon ako kay Ate Frinda na nasa tabi ko na pala at kumukuha ng tasa.
May alam ba sya? Nakita niya kaya yung kagabi?
"Hoy Algea, ayos ka lang ba?"
"Ah ayos lang ako, anong sabi mo ulit?"
"Kung ayos lang ba ang tulog mo kagabi?"
"Ayos lang nakatulog ako ng mahimbing"
Napansin ko ang hindi niya pagsang ayon sa sinabi ko.
"Muka namang hindi-"
"Good Morning Everyone!"
Sabay kaming napatingin sa nagsalita nakita ko si Eliesh na malawak ang ngiti na nakatingin sa kanila at panghuli sa akin.
"Ang aga mo ngayon hija, nakapag almusal kana ba?"
"Yes Nay I'm done, pumunta talaga ko dito dahil gusto kong makausap si Algea about sa pagpasok nya sa school"
"Maganda Umaga sayo" sabi ko kay Eliesh.
Isang ngiti ang tinugon nito sa akin.
"You can eat again Eliesh. I know it's only cereal"
"Okay! I smell something yummy food today, anong niluluto mo Nay?"
"Fried rice hija at simpleng ulam sa agahan"
"Okay" sabi niya at umupo sa pwesto ko.
Hindi naman ako nagsalita dahil ayos lang sa akin kapatid naman niya si Eliesh at ayos narin dahil malayo ako ngayon sa kanya.
"That chair is taken Eliesh seat on the other chair" sabi ni Eros.
Nagulat ako ng umalis si Eliesh sa inuupuan ko at lumipat sa isang upuan na katabi lamang tumingin sa akin si Eliesh kinabahan ako pero nagulat ako ng ngumiti sya at parang ipinararating ng kanyang mga mata na umupo na.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomansaAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.