CHAPTER FORTY EIGHT

45 2 1
                                    

Mabilis kong hinawakan ang kanang braso ni Eros para pigilan ito sa gustong gawin sa kanyang step mom.

"Eros," pabulong ngunit may pagpigil na sabi ko.

"Anong ginagawa mo dito? You are not invited here. Wala na si Dad kaya wala kana din karapatang pumunta pa dito"

Mapait na ngumiti ang ginang sa harapan namin.

"You are so mean son. I am here to congratulate Algea. Masama ba 'yon?" pagkasabi niyang iyon ay tumingin siya sa akin. May kung anong kilabot akong naramdaman nang tumingin ito.

"Congratulate her or ruin her day? Our day." matigas nitong sabi sa ginang.

"Kuya,"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita sa likod ng ginang. Naglakad ito papunta sa tabi ng ina.

"Ganyan kana ba talaga? Kahit nabubuhay pa  si Dad?, or I must say step dad, hindi mo na kami tinuring na pamilya. Ayos na sa akin na ganoon nga, pero ang bastusin mo si Mom? You're such a cold hearted man!"

"Cold hearted? Now you say those words confidently, knowing that you and your mom don't care about me and my sister. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayong araw, ang umalis kayo. Ngayong wala na si Dad, wala na din tayong pakealaman sa isa't isa—"

"You forgot something hijo. Ako ang nagpalakad sa isa sa business ng Dad mo, according to his lawyer, hindi mo kami basta-basta mapapaalis dito." matatalim na ang tingin na sabi ng ginang habang nakatingin sa kanya si Eros.

Ngumisi nang nakakapikon si Eros sa tabi ko.

"Is that the reason why you two did not let go of us? It is because of money? Ganyan kana ba talaga kadesperada para sa pera?"

Isang malakas na sampal ang bumasag sa initan ng dalawang panig na nandito sa loob. Hindi ko naman maiwasan na mapasinghap, at kahit nasampal na si Eros ng step mom nito ay parang baliwala at hindi manlamang ito nasaktan.

"Who are you slap kuya? Kahit kailan hindi ka naging magulang sa amin. Wala kang karapatan saktan ang kapatid ko o kahit na ako! Wala na ba talaga kayong magawa sa mga buhay ninyo at kami ang ginugulo n'yo?" Hindi na nakapagtimpi si Elie dahil sa nangyari. Nakita ko na nanlilisik ang mga mata nito sa ginang.

Hinawakan ko sa braso si Elie para pakalmahin.

"Elie..." bulong ko.

"Elie," humakbang ng dalawa ang ginang papunta kay Elie. Mabilis naman na humarap si Eros sa kanilang dalawa.

"Huwag mo ng tangkain na isali dito si Elie. Puwede na kayong umalis habang nakakapagtimpi pa ako" matigas na sabi ni Eros.

"Wala kana talagang galang"

"Ang galang kasi may pinagbabagayan din kaya kung hindi ka nakakaranas no'n alam mo na"

"Sumosobra kana!"

Mabilis na umilag si Eros sa dapat na ibibigay na suntok ng step brother nito.

Naramdaman ko na lamang na may humigit ng braso pa alis sa tabi ni Eros. Nakita ko naman na si Nay Frela ito.

"Ang mabuti pa ay samahan mo muna siya sa kwarto Frinda. Makakasama ito sa kalagayan niya"

Nakita ko ang mabilis na pag sang ayon ni Ate Frinda kay Nay Frela. Bago pa ako magsalita ay naunahan na ako ni Ate Frinda.

"Tayo na Algea"

"Pero si Eros at Elie"

Tumingin si Ate Frinda kay Elie. Nalaman siguro agad ni Elie ang ibig sabihin ni Ate Frinda dahil nagsalita ito kaagad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon