𝘏𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘙𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨 ♡︎♡︎
NAGISING ako na mukha agad ni Eros ang nasilayan ko. Nakayakap ito sa akin at halatang mahimbing ang tulog. Tinitigan ko pa ito at marahan na hinawakan ang pisngi, ang gwapo at ang inosente ng mukha nya pag ganito.
Napatingin ako sa may bintana na nakikita na ang liwanag galing sa manipis na kurtina.
Babangon na ako para tulungan si Nay Frela.
Dahan dahan akong umayos ng higa at tinanggal ang braso na nakalagay sa aking tyan at umupo.
Marahan akong tumayo at tiningnan sya.
Wala pala kaming nagamit na kumot pero mukang hindi naman sya nakaramdam ng lamig.
Tumungo na ako sa pinto at lumabas bago ako pumuntang kusina ay sa kwarto muna para maghilamos pagkatapos ay nagtungo na sa kusina.
Walang nasa kusina kaya naman lumabas ako at baka sakaling nandoon lamang si Nay Frela sa kanyang mga halaman.
Hindi nga ako nagkakamali at nandoon sa hardin si Nay Frela at nagdidilig sa kanyang halaman.
Napansin nya agad ako na patungo sa kanya kaya naman hininaan nya ang hose na dala.
"Good morning Nay"
"Oh hija. Magandang umaga sayo, kamusta ang tulog mo?"
"Ayos naman po Nay. Ahmm ako na po ang bahala sa agahan ngayon"
"Ah sya sige nak wala ka namang pasok ngayon hindi ba?"
"Yes po. Sa lunes na ako magsisimula sa bagong school na papasukan ko"
Tumango ang matanda bilang pagsang ayon sa sinabi nya.
Pumasok na ulit sya sa bahay at tumungo sa kusina.
Simpleng fried rice, ham at hotdog lamang ang lulutuin nya para sa umaga. Maglalagay na din sya ng tinapay sa toaster.
Maya maya pa ay may pumasok sa loob hindi ko tiningnan ito at ihahanda na lamang ang sarili dahil baka si Sida ito at gulatin na naman ako pero mali ang nasa isip ko dahil isang malagom na boses ang narinig ko.
"Good morning baby" Niyakap nya ako mula sa likod at ramdam ko na hinalikan nya ang aking buhok at hinaplos ang aking tyan na nagpahatid ng kilabot sa akin.
"G-good morning sayo. Upo kana ihahanda ko lamang ang almusal mo"
Pagkakuha ko sa lutong hotdog at ham ay inilagay ko na ito sa lamesa sya naman ay nakabusangot ang mukha na parang bata.
"Why did you leave me?" sabi nya na nakabusangot parin.
"Ah kasi umaaga na at gusto ko ako ang maghanda ng agahan" sagot ko.
"Is that the reason? But I wanna hug you and see you first in the morning"
Ang isang ito hindi halata na nagiging malambot din pala. Muka kasing napakaseryoso nya lagi.
"Kain na. May pasok ka pa hindi ba?"
Kumuha ako ng plato at naglagay ng tinapay sa tapat nya.
"I want rice"
"Ah sige. Sorry akala ko kasi ay tinapay lang ang gusto mo"
"No" simple nyang sabi.
"Ah kung ganon kanin na ba lagi ang gusto mong kainin sa umagahan?"
"Nah"
"Edi kung ganon ano pa?" tanong ko sa kanya.
"You"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.